Sabi ko nga, may mga relationships na sa friendships nagsisimula. Pero may mga friendships na hindi mo naman inisip na mauuwi pala sa malalim na relasyon. Parang balon lang yan. Akala mo mababaw kasi medyo madilim, malabo. Pag nagbaba ka ng timba, malalim pala. Hindi nga lang halata. Kasi, may mga pagkakataon na kahit natamnan ka na, ise-set aside mo muna para sa ibang mga bagay. Hanggang sa makalimutan mo na. Di mo man nakalimutan, di mo naman napapansin. Kasi nga may iba kang priorities. Ang di mo napapansin, habang tumatagal, lalong lumalalim ang balon. Tumataas ang tubig. Napupuno. Marahil dahil sa ulan. O di kaya may kapreng umihi sa balon. Maraming factors. Teka nga… Relasyon pa ba ang pinaguusapan natin o balon na?
Naging good friends naman sina Mike at Gabby. Bukod sa trabaho, nakakapagkwentuhan naman sila ng iba pang mga bagay. Makulit talaga tong si Mike. Ayaw paawat. Di mapigilan ang bibig. Para silang aso at pusa na nagtatalo sa mga biruan. Malakas din kasing magpatutsada itong si Mike. Eto namang si Gabby, medyo pikon. Kaya lalo siyang ginagalit ni Mike.
Mike: Nagugutom ka ba?
Gabby: Oo. Bakit? Magpapakain ka ba?
Mike: May sinabi bakong magpapakain ako? Tinatanong ko lang kung nagugutom ka na. Kasi kung nagugutom ka na, magpakain ka na.
Gabby: Bakit ako eh ikaw ang lalake? Di ba dapat ikaw ang magpapakain sakin dahil ako ang babae?
Mike: Dalawang babae na ang naging presidente ng Pilipinas. Ang pinakamaimpluwensiyang tao sa talk show at reality show ay isang babaeng kapatid ng presidente ngayon. Yung may problema sa PDAF, babae. Yung isa sa pinakamayamang celebrity sa Hollywood na bida sa Notting Hill, babae. Si Pocahontas, babae. Asawa ni Ryan Agoncillo, babae. Nanay ni Ted Failon, babae. Sister ni James Yap, babae. So babae ang pinakapowerful sa panahon ngayon.
Gabby: So anong pinaglalaban mo? Anong gusto mong ipahiwatig?
Mike: Wala naman. Kung gusto mo akong pakainin dahil sa naging mabuti ang Diyos sayo, nasa sa iyo naman yun. Kung naging generous ang Diyos sa iyo, pwede mong ibahagi ang generosity na yun sa ibang tao. Tulad ko. Pwede mo akong ilibre. Pero kung naging madamot naman ang Diyos sa iyo, bakit mo ako ililibre, di ba? Kung gusto mong kumaing magisa, okay lang naman sa akin. Makita lang kitang kumakain, nabubusog na ako.
Gabby: (nagpipigil ng tawa…) At talagang may pakonsensiya pa. So ililibre na kita? Wala kang pera noh?
Mike: Wala eh. Pakain ka naman.
Gabby: (natawa na) Sabi na nga ba eh. Sige na. Ililibre na kita. Pakakainin na kita. (natawa pa)
Mike: Ayun! Nakaramdam! Tenchu tenchu!
Pag nasanay kayo sa ganyang mga kulitan, nagkakaroon na ng ilang mga moments na pwedeng matanim sa inyo. Mas madalas, yung mga simple moments at little details ang nagbibigay ng malakas na impact. Dahil kung pinapahalagahan ninyo yung maliliit na bagay at mga simpleng experiences ninyo together, mas bibigyan ninyo ng pansin ang malalaki at malalalim na moments na magkasama kayo. And those little moments are the moments you will treasure. Forever.
Doon nagsimula ang friendship nina Mike at Gabby. Although nawala na sa isip ni Mike na noong una, gandang ganda siya kay Gabby, what he didn’t realize is that somewhere in him, a seed has already been planted. And it has been growing ever since. Even when he least expects it…
BINABASA MO ANG
TINAMAAN NG LINTEK
RomanceKahit gaano ka katapang, kapag tinamaan ka, wala kang laban. Ganyan ang nangyari kay Mike nang tinamaan siya ng lintek ni Gabby. Ano kaya ang nangyari matapos silang magkita?