Totoo namang may mga bagay na talagang hindi mo inaasahan. Yung iba hindi mo rin pinaplano. Yung iba naman hindi mo rin inaasam. Basta nangyayari na lang. Kung ano mang greater plan ang nasa likod ng mga pangyayaring iyon, ang sigurado lang, may mga bagay na talagang wala tayong kontrol, wala na sa mga kamay natin yun. Wala na tayong magagawa dun. Kapag ganito ang nangyari sa iyo, dalawang bagay lang ang pwede mong gawin, either takbuhan mo o takasan ang sitwasyon, o harapin mo at tanggapin whatever consequences it entail. Sa mga ganitong sitwasyon, madaling sabihin at magpayo na harapin ang sitwasyon at huwag takasan. Pero kapag ikaw mismo ang nasa gitna ng tubig, nakakataranta pa ring lumangoy. Nakakakaba. Lalo na kung hindi mo sigurado kung makakalangoy ka ba nang maayos o hindi. Dun na papasok yung adventure. To live life’s love is the greatest adventure of all.
Sa dami ng adventure ni Mike, ang pinakamahirap na adventure niya ay ang heart adventure niya. Akalain mo nga naman, he had no clue that he was embarking on a new journey. Akala siguro niya tumatambay lang siya. Napansin na lang niya ito noong hindi na siya nakakatulog sa gabi. Sa umaga na lang.
Mike: (nagiisip, nakikipagusap sa sarili habang nakahiga sa kama…) Syeeet… Iba na ata ito… Bakit ganun? Naaalala ko pati mga maliliit na bagay tungkol sa kanya… Text ko kaya? Ay. Wag na. Di naman magrereply sakin yun. Chat ko kaya sa FB? Ay. Wag na. Sureball namang seenzoned lang ako dun. Bwisit…. Nakakasira ng image… Itutulog ko na lang to… Syeeet… Di naman ako makatulog…. (bumangon… pumunta sa balcony at nagyosi…) Syeeet… Ganda ng gabi. Ganda ng buwan… (sabay nakita ang mukha ni Gabby sa buwan…) Anak ng tokwa… Hanggang sa buwan ba naman, mukha mo pa rin ang nakikita ko? Tantanan mo naman ako kahit five minutes lang…
Samantala, sa bahay ni Gabby…
Gabby: (nakahiga sa kama, naghihilik) Ngoooorkkkk….
Balik sa bahay ni Mike…
Mike: (bumalik sa pagkakahiga sa kama… nagisip at kinausap ulit ang sarili…) Sabihin ko kaya sa kanya? Maaasar lang lalo sakin yun… Baka iwasan ako…. Baka kaltukan pako… Syeeet… Syeeeet na malagkeeet…. Hinde. Itutulog ko na lang ito. Bukas wala na ito. Bangag lang siguro ako…
Sa bahay ulit ni Gabby…
Gabby: (nakahiga pa rin at naghihilik sa kama…) Ngooooorkkk….
Akala siguro ni Mike, ganun lang kadaling mawala ang nararamdaman niya. Pero hours, days, weeks have passed, ganoon pa rin ang nararamdaman niya. Hanggang sa lumapit siya sa akin. Ikinuwento niya ang lahat ng nangyari sa kanya. Sa dulo, tinanong niya ako kung anong komento ko at kung ako ang nasa kalagayan niya, ano ang gagawin ko. Isa lang ang isinagot ko sa kanya.
Abbi: Tol, kung ako ang nasa kalagayan mo, I would rather have her as a friend than not to have had her at all. Those simple friendly moments with her are more than what I deserve, so I’m more than grateful to have them. But still, this is me. We’re two different people. So the final decision would still be yours.
Mike: (napaisip…) Pare, may isang bagay lang na pinoproblema ko tungkol sa sinabi mo.
Abbi: Ano yun tol?
Mike: Pakitagalog nga. Putsa. Wala akong naintindihan.
Abbi: Tadu.
Isa sa pinakamahirap gawin sa buhay ang magdesisyon. Matapos naming magusap ni Mike, nagisip siyang mabuti. Napaisip din nga ako. Doon ko lang nalaman na may isip pala siya. At sa pagiisip niyang iyon, nabuo ang kanyang desisyon…
BINABASA MO ANG
TINAMAAN NG LINTEK
RomanceKahit gaano ka katapang, kapag tinamaan ka, wala kang laban. Ganyan ang nangyari kay Mike nang tinamaan siya ng lintek ni Gabby. Ano kaya ang nangyari matapos silang magkita?