CHAPTER EIGHT: ANG PAGBUBUO NG DESISYON

13 0 0
                                    

Minsan, sa buhay ng tao, may mga pagkakataong kailangang pagisipang mabuti ang bawat desisyon na gagawin. We need to take into consideration our actions, emotions, priorities, in order for us to choose the right decision. At ang pinakaimportante dun ay ang magdasal. Kapag kasama ang panalangin, ang paghingi ng tulong para makapagdesisyon ng tama, dun pumapasok ang discernment. May katuwang ka na sa pagdedesisyon.

Kapag usaping lovelife na, hindi ako eksperto diyan. Kaya nga noong medyo may problema si Mike at humingi ng advice sa akin, hindi ako makapagbigay ng mas maganda o maayos na sagot. Kung nagtanong siguro siya tungkol sa philosophy o IT o social media o katarantaduhan, baka mas mabilis pa sa kabayo kong nasagot yan.

Adventurer talaga si Mike. Hindi pupuwedeng titigil lang siya sa isang lugar. Kaya para makapagdesisyon, lumabas siya ng bahay. Naglakad. Tuluy-tuloy lang sa paglalakad. Naglakad na parang walang patutunguhan. At habang naglalakad, doon siya nag-isip…

Mike: (nagiisip habang naglalakad…) Paano nga ba ang maging masaya? Ano ba talaga ang magpapaligaya sa tao? Pera ba? Yaman? Trabaho? Bisyo? Kaibigan? Pamilya? Relasyon? Bakasyon? Institusyon? Prusisyon? Sibilisasyon? Jun Sabayton? Sa dami ng adventures ko sa buhay, matagal din bago ko nakita kung ano talaga ang magpapaligaya sa akin. Lahat na yata halos nasubukan ko na. Lahat yata halos napuntahan ko na. Sa mga thrill-seeking adventures na naranasan ko, ni minsan hindi ko pa talaga nakikita kung ano talagang magpapaligaya sa akin…

Nakakita ng bench si Mike sa kanyang paglalakad. Naupo siya doon…

Mike: (nagpatuloy sa pagiisip…) Kung talagang iisipin ko kung anong magpapaligaya sa akin, siguro ito yung makita ang ibang tao na masaya, na maligaya, na sa gitna ng kung ano mang sitwasyon ang pinagdadaanan nila, nakukuha pa rin nilang ngumiti. Okay na siguro sakin ang malaman na masaya yung mga taong mahalaga sa akin, kahit hindi na ako kasali dun sa kung ano mang magpapaligaya sa kanila. Basta ang mahalaga, maging masaya sila. Kahit na ba ang gusto ko, ako ang maging dahilan para maging masaya sila. Okay na sigurong isuko ko ang mga plano ko, mga projections ko, sarili kong future, kahit na sarili kong kaligayahan, alang-alang sa kaligayahan ng iba. Para lang maranasan nila ang totoong kaligayahan na hindi maibibigay ng kung ano mang ino-offer satin ng mundo, ayos na sigurong isaalang-alang ko na ang sarili kong kaligayahan. Sa tingin ko, doon lang talaga ako totoong sasaya, ang makitang masaya sila.

Tumayo si Mike at nagpatuloy sa paglalakad…

Mike: (patuloy na nagisip…) Lahat naman siguro ng tao, ultimately, ang gusto lang nila sa buhay ay ang maging masaya sila….

Sabay may nakasalubong si Mike na isang lalake at kanya itong tinanong.

Mike: Ikaw manong, gusto mo bang lumigaya?

Manong: Lalake ako pare. Di tayo talo. Atras tayo sa ganyang mga bagay.

Totoo naman siguro ang naisip ni Mike. Lahat naman tayo gustong lumigaya. Mahaba ang gabing nilakad niya dahil napagisipan niya ang mga bagay na kailangan niyang gawin. At iyon ang nagdala sa kanya sa desisyon na napili niya…

TINAMAAN NG LINTEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon