Kapag ang isang tao, pinipigilan ang mga bagay na gusto niyang pigilan, madalas ang depensa niya ay naglalaro sa mga katagang, “Hindi totoo yan.” “Wala akong alam.” “I invoke my right against self-incrimination.” Either in-denial siya, nagsisinungaling siya, o niloloko niya ang sarili niya. Sa friendship, kapag ang isa sa kanila ay nagkakaroon ng mas malalim na emosyon sa kaibigan niya, madalas, para hindi masira ang pagkakaibigan nila, gagawin niya ang lahat sa abot ng kanyang makakaya para pigilan ang nararamdaman niya. Sabi nila, kapag baduy na, totoo na. Yung mga unexpected moments at mga details tungkol sa kaibigan niya, kapag natatandaan na niya, iba na ito. Aminin man niya o hindi sa sarili niya, nagbabago na ang pagtingin niya sa kaibigan niya. Ang concern lang niya, huwag masira ang friendship nila. Yun ang nakakapanghinayang.
Hindi man napapansin ni Mike, nafa-fall na siya kay Gabby. Madali namang malaman kung nahuhulog na siya sa kaibigan niya. Dahil natatandaan niya ang mga maliliit na bagay tungkol kay Gabby. At madalas, the smaller details count. A lot.
Sa kainan…
Mike: Umorder nako ng pizza pero pinatanggal ko yung olives at anchovies kasi di ka kumakain nun.
Gabby: Sige.
Sa shopping…
Mike: Dun tayo sa kabilang store tumingin ng dress mo. Puro mini-skirts dito eh. Di ba ayaw mo ng mini-skirts?
Gabby: Tara.
Sa Star City…
Mike: Di ba bump car lang ang paborito mong sakyan dito? Sa kabila ang bump car. Hindi dito.
Gabby: Halika.
Sa eroplano…
Mike: Window seat ka na kahit sakin naka-assign. Alam ko namang mas gusto mo sa window seat eh.
Gabby: Okay.
Sa paglalakad sa initan ng araw…
Mike: Ikaw na ang humawak ng payong. Di ba galit na galit ka kapag pinapayungan ka?
Gabby: Alright.
Hindi man napapansin ni Mike, tumatatak sa isip niya ang small details tungkol kay Gabby. Natatandaan niya ito. Hindi man niya aminin sa sarili niya, nafa-fall na siya kay Gabby. Hindi rin naman ito napapansin ni Gabby. Minsan, may mga tao na naa-appreciate na alam mo yung small details tungkol sa kanila, without you realizing na naaalala mo pala ito. Kapag tumanim sayo yung small details, mas tatanim sayo yung malalaking moments. Minsan, napapasaya mo na yung ibang tao base sa mga maliliit na bagay na ginagawa mo sa kanya. Minsan naman hindi. Depende rin sa sitwasyon yan. Depende rin sa tao.
Kung mahilig lang magsulat si Mike, baka tuluy-tuloy na niyang naisulat ang kwento nilang ito ni Gabby. Kaso nga lang, hindi siya mahilig magsulat. Mahilig lang siyang magkwento. Kaya nga nandito ako. Ako na ang nagsulat para sa kanya. Maiba lang.
Ang susunod na tanong diyan ay kung ano naman kaya ang nararamdaman ni Gabby sa nangyayari sa friendship nila ni Mike…
BINABASA MO ANG
TINAMAAN NG LINTEK
RomanceKahit gaano ka katapang, kapag tinamaan ka, wala kang laban. Ganyan ang nangyari kay Mike nang tinamaan siya ng lintek ni Gabby. Ano kaya ang nangyari matapos silang magkita?