CHAPTER THREE: ANG PAGTATAGPO

10 0 0
                                    

Sabi ko nga sa inyo, isang adventurer si Mike. Marami na siyang naging karanasan sa iba’t ibang larangan. Ang adventurer pa naman masarap kausap. Madaldal. Andaming kuwento. Siyempre maraming karanasan. Paniwala ko nga, “to live is the greatest adventure of all.” Eto yung mga taong bawat araw na ginawa ng Diyos sa buhay nila, laging may adventure. Hindi nauubusan ng gagawin. Hindi nauubusan ng sasabihin. Hindi nauubusan ng iisipin. Eto si Mike. Sa sobrang dami ng adventures, kulang na lang magsulat ng libro ng buhay niya.

Pero siyempre, di niya gagawin yun. Ginagawa ko na para sa kanya eh.

Dahil nga sa maraming adventures si Mike, naisipan niyang maghanap ng magsusulat ng mga adventures niya, several months after seeing Gabby’s picture. Sinubukan niyang pumunta sa isang writing firm. And guess what? Alam na ninyo siguro ang nangyari. Nakita niya doon si Gabby.

Mike: (sa isip niya…) Syeeeet na malagkeeeet…. Eto yung girl na nakita ko sa post ng friend ko a few months ago… Oh my gulay!!! Kailangang makausap to… Hindi pwedeng hindi…

Alam ninyo yung pakiramdam na parang nagaalburoto ang tiyan mo? Na kapag tinitingnan mo ang mga mata niya, nakikita mo kung gaano kaganda ang mundo. At kapag pinagmamasdan mo siya, nasasambit mo sa sarili mo, “Shucks… May Diyos talaga… At eto ang pruweba… Dahil wala pakong nakitang ganito kaganda sa mga nilikha niya..” Napapaisip ka na lang at nag-iimagine na kausap siya habang sinasabi mo na, “Kapag adik, sa drugs agad? Hindi ba pwedeng sayo muna?” Eto ang pakiramdam ni Mike nung makita si Gabby. Nakakabuntong-hininga.

Nilapitan ni Mike ang manager ng writing firm at kinausap.

Mike: Good morning sir.

Boss Sabos: Good morning din po. Ano po bang atin?

Mike: Naghahanap kasi ako ng writer for my adventurer. Not sure who to call. So I was thinking na maybe you guys can help me.

Boss Sabos: No problem sir. That is the reason why we are here. Wait. Let me call one of the best writers of our firm…

Mike: (sa isip niya…) Sana si ganda… Sana si ganda… Sana si ganda… Sana si ganda…

Boss Sabos: Gabby!

Mike: (napasigaw) Bingo!!!

Boss Sabos: (nagulat…) Ano po yun sir?

Mike: (nataranta…) Ha? Ah wala… Bagong app sa phone ko… Bingo… Eh tumama ako… Sorry…

Lumapit si Gabby sa kanilang dalawa.

Boss Sabos: Sir, I want you to meet Gabby. She’s one of our best writers.

Mike (nakipagkamay) Hello. Nice to meet you. I’m Mike.

Gabby: Nice to meet you too.

Mike: Since we’re gonna work together, babalaan sana kita.

Gabby: Ano yun?

Mike: Medyo malambing ako ng slight.

Gabby: Wala namang problema dun.

Mike: Kaya lang, kapag ako ang naglambing, kahit asin lalanggamin. (sabay tawa) Dale ka noh?

Gabby: Ang kulit! Hahaha!!! (sabay tawa)

At doon nagsimula ang magandang friendship. Sabagay. Kalimitan naman sa friendship nagsisimula. Kapag ganyan, ang sinasabi ko, “I can’t promise that I’ll be your friend forever. Kasi malay mo, tayo na later.”

Gulat ka noh?

TINAMAAN NG LINTEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon