Ang tao, kapag nasa gitna ng sitwasyon na halos hindi niya alam ang gagawin, yung tuliro na siya at parang walang patutunguhan ang mga nangyayari sa buhay niya, ang pinakamadalas na nangyayari sa kanya, nagpapadalus-dalos siya sa mga desisyon niya. Either hindi niya pinagisipang mabuti ang dapat gawin, o masyado siyang nagisip na umabot sa puntong sumuko na rin siya sa pagiisip ng kung ano ang dapat gawin. Ang ending? Gugustuhin niyang magsimula ulit. Ang buhay naman ng tao, walang restart button, na kapag hindi mo nagustuhan ang mga nangyayari sa buhay mo, pipindutin mo lang yung restart button, back from a clean slate ka na naman. Wala namang ganun. Dere-deretso lang ang buhay ng tao. Nasa sa iyo na iyon if you are going to take things positively and negatively.
Simple lang ang naging ending ni Mike. Lumayo. Hindi na nagpakita. Hindi na nagparamdam. Hindi ko masasabing tama ang ginawa niya o sang-ayon ako sa desisyon niya. Ni hindi nga siya sigurado sa desisyon niya. Pero hindi ko rin siya masisisi kung bakit ganoon ang naging ending niya. Nung huli kaming magkausap, binanatan ba naman ako ng…
Mike: Hahanapin ko lang ang sarili ko…
Kaya sinagot ko siya ng…
Abbi: Bakit? Nawawala ka ba? Tanga.
Weighing down the events that had happened in his life, I could not resist wondering what is he doing right now. Isa lang naman ang concern ko. Regrets. Gusto kong malaman kung may regrets si Mike sa mga nangyari sa kanya.
Dahil wala na akong balita sa iyo, ang hiling ko lang ay sana mabasa mo ito tol. Eto na siguro ang huling maipapayo ko sa iyo. Never regret anything. Never regret whatever happened in your life; meeting Gabby, falling in love, going away, all the positive and negative things that happened. Because in a way, there is no such thing as a negative experience. All experiences are positive, we just don’t know how to handle them. Hindi ako eksperto sa lovelife, pero kahit papaano, may alam ako sa regrets. Wala dapat regrets tol. Treasure every moment, all the pains, the joys, the fun, the sadness, everything. Because you will appreciate the beauty of life even more after making these memories like crystals of experiences that will help you with your future endeavors. Live life’s loves.
Alam ko namang ipapatagalog mo ito sakin kung magkaharap tayo. Kaya isa lang ang masasabi ko sa iyo…
Utot mo may sabaw.
At sa iyo, bukod kay Mike, ikaw na nagbabasa nitong kwento niya. Hayaan mo ang buhay na iparanas sa iyo ang mga bagay na tutulong sa iyo para harapin ang bukas. Lumingon ka palagi sa paligid mo. Malay mo, nakasalubong mo na si Mike, hindi mo pa alam.
Kilala mo ba si Mike?
KABUANG MUCH. Roll Bacco speaks. :D
BINABASA MO ANG
TINAMAAN NG LINTEK
RomanceKahit gaano ka katapang, kapag tinamaan ka, wala kang laban. Ganyan ang nangyari kay Mike nang tinamaan siya ng lintek ni Gabby. Ano kaya ang nangyari matapos silang magkita?