CHAPTER ONE: ANG SIMULA

43 0 0
                                    

Iba talaga kapag tinamaan ka. Hindi mo malaman o maintindihan kung ano ang gagawin mo. Kapag tinamaan ka sa alak, lasing ka. Kapag tinamaan ka sa drugs, bangag ka. Kapag tinamaan ka ng bala, patay ka. Kapag tinamaan ka sa puso, tuliro ka. Kaya mahirap tamaan. Baka kung saang lupalop ka lang pulutin. Baka mapraning ka pa. Baka mawala ka sa sarili. Maraming "baka." Pero siyempre, yang mga "baka" mo, hindi mo mapapatunayan hangga't hindi mo nasusubukan. Sabi nga nung kaibigan kong spokening dollar, "You need to jump into the waters to find out if it is hot or cold." So dapat pala parang gagamba. Talon lang nang talon.

Eto ang karanasan ni Michael "Mike" Espiritu. Isang adventurer, thrill-seeker, at self-proclaimed comedian. Hindi niya inakala na tatamaan siya. Marami na siyang karanasan ng pagtama. Tinamaan na siya sa alak. Ayun! Lasing. Tinamaan na siya sa drugs. Ayun! Sabog. Tinamaan na siya sa jueteng. Ayun! Ubos sa balato. Pero nung tinamaan siya sa puso, bumaligtad ang ikot ng kanyang mundo. At hindi niya inakala na ang kanyang "kryptonite," ang magpapatiklop sa kanyang astig na personalidad, ay isang simpleng dalagang writer na nagngangalang Gabriel "Gabby" Delos Santos.

Nagsimula ang lahat sa isang larawan...

TINAMAAN NG LINTEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon