CHAPTER TEN: ANG DESISYON

14 0 0
                                    

Kapag gumagawa tayo ng desisyon, may mga pagkakataon na nakapagdesisyon na tayo pero biglang nagbabago because of outside factors. After taking into account several options, hindi pa dun natatapos ang decision-making. Wala kasing kasiguraduhan ang buhay, kaya sa maraming pagkakataon, nagbabago ang desisyon.

Ang laging pinakamalaking tanong diyan ay eto:

Sigurado ka na ba sa desisyon mo?

Nalaman ni Mike ang mga nasabi ni Gabby sa kaututang dila niya. Nakadagdag iyon sa desisyon na naisip niya noong naglakad siya nang naglakad isang gabi. Para makapagisip, tulad ng nakagawian, naglakad ulit siya nang naglakad, na parang walang patutunguhan, walang direksyon, walang plano. Basta lakad lang nang lakad.

Mike: (habang naglalakad isang gabi… kasabay na nagisip at nagmuni-muni…) Syeeet… Syeeet na malagkeeeeet… Paano na ito? Kapag sinabi ko naman kay Gabby, baka kaltukan pa ako… Bakit pa kasi nauso ito. Minsan, maganda na ang emosyon, parang ilaw. May on and off switch. Para kapag kailangang i-turn off, pwedeng i-turn off. Alam ko na. Kailangang i-divert ko ang attention ko sa ibang bagay. Ganun daw yun sabi sa mga pelikula. Mas madali siguro yun. (nakakita ng batang kumakain ng ice cream…) Tulad ng ice cream… Ayan… Ang attention ko nasa ice cream na. Si Gabby ang paboritong flavor ng ice cream, cookies and cream. Syeeet!!! Naalala ko na naman siya… Bwiset!!! (nakakita ng kotse…) Ayun! Kotse! Ang atensyon ko nasa kotse na. Parang yung kotseng ginamit namin ni Gabby noong isinama ko siya sa adventure trip ko. Syeeeet!!! Ayan na naman!!! Bwiset!!! (nakakita ng matandang babae…) Ayun! Si lola. Na kay lola na ang atensyon ko. Maganda siguro kung magkasama kaming tatanda ni Gabby. Syeeeet!!! Paksyeeet!!! Bwiset talaga!!!

Nakakita si Mike ng bench at naupo doon. Nagpatuloy siya sa pagmumuni-muni…

Mike: (nagiisip pa rin…) Ang pinakamahirap sa lahat, yung lagi ko siyang nakikita. Dahil everytime I see her, I see a beautiful woman whom I hope would always be happy, even if her happiness would not include me, would never be me, and knowing that we would never be together. And the more I see her, it makes me feel complete, at the same time it kills me. Because the pain of knowing we will never be together is almost the same as the joy of seeing she will be happy without me. And it is the dilemma I’m struggling about…

Tumayo si Mike at nagpatuloy sa paglalakad…

Mike: (patuloy na nagisip at nagmuni-muni…) Siguro, mas mabuting lumayo na lang. Dahil sa malayo, hindi ko na kailangang masiraan ng bait sa pagiisip ng kung anu-ano. Pwede pakong magsimula ulit…

Sabay may nakasalubong si Mike na lalake..

Mike: (hinarang ang lalake…) Lalayo ba ako pare? Lalayo ba ako? Tatakas ba ako? Aalis?

Nataranta ang lalake…

Lalake: (sumigaw na natataranta…) Manyak!!! Manyak!!! Rape!!!

Mike: Gagu. Di ako rapist. Di kita gagalawin tanga.

Lalake: (lumambot ang boses…) Nagsa-suggest lang naman, pogi…

Doon nabuo ang desisyon ni Mike. Sa gabing naglakad-lakad siya at nagisip. Kung tatanungin ko si Mike ngayon…

Abbi: Sigurado ka na ba sa desisyon mo?

Isa lang ang siguradong isasagot niya…

Mike: Hindi.

TINAMAAN NG LINTEKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon