Kapag ang tao naglilihim, kahit anong tago niya, darating din ang panahon na mabubulgar din ang lihim niya. Sabi nga ng matatanda, “walang lihim na hindi nabubunyag.” Parang utot lang yan. Kahit anong pilit na huwag marinig ng iba, kung may sabaw na kasama, lalabas din ang baho niyan. Kaya minsan, mas mabuti pang huwag na lang maglihim. Tutal, malalaman din naman ng madlang bayan.
May mga lihim naman na dahil sa whatever complications it entail, kinakailangang ilihim ng mabuti. Maaaring dahil sa mga maaapektuhan, sa mga taong matatapakan, mga relasyon na mawawasak, o mga masisirang mga pangarap. Dito pumapasok yung kaibigang maaasahan, yung hindi ka ilalaglag, hindi ka ipapahamak, hindi ka hahayaang malugmok sa putikan. Na kahit madulas man, para rin sa ikabubuti ng iyong kalagayan. Sa sitwasyon ko, ang pangalan ng kaibigan kong iyan ay Miguel. San Miguel. Yung Lights.
Akala ni Mike maitatago niya ang nararamdaman niya kay Gabby. Pero malabo. Para na itong utot na umaalingasaw. Silent killer. Kulang na lang maging utot na may sabaw ito. At may nagkumpirma pa. Mga taong nakapalibot sa kanilang dalawa. Ano naman kaya ang reaksyon ni Gabby?
Kaututang Dila: Uy, Gabby. Wala ka bang napapansin kay Mike?
Gabby: Na abnormal siya? Halatang halata naman.
Kaututang Dila: Hindi yun. Alam na ng buong mundo yun.
Gabby: Eh ano?
Kaututang Dila: Parang may gusto sayo.
Gabby: May gusto? Ako rin may gusto sa kanya.
Kaututang Dila: May gusto ka kay Mike?
Gabby: Oo. Gusto ko siyang batukan. Nakakapikon kasi.
Kaututang Dila: Eh kung ligawan ka?
Gabby: Ililigaw ko siya. Yung tipong hindi na makakabalik.
Kaututang Dila: Ikaw talaga. Nahahawa ka na kay Mike.
Gabby: Para kasi siyang epidemya. Malakas ang impluwensiya. Abnormal kasi.
Kaututang Dila: Eh kung magtapat sa iyo?
Gabby: Tatapatin ko rin siya. Sasabihin ko, “tantanan mo ako.”
Kaututang Dila: Tarush!
Bagama’t ganoon ang pakiramdam ni Gabby, hindi naman nasira ang friendship nila ni Mike. Sometimes we have to let things the way they are so that it won’t be ruined. Tingnan ninyo ang E-heads. Nung nagbago ng timpla ng tunog hindi bumenta ng katulad ng mga naunang albums nila ang musical diversity nila. Kaya para hindi masira ang isang bagay, kadalasan hinahayaan na lang sila nang kung ano sila from the start.
Pero siyempre, hindi sa lahat ng bagay applicable yun. Change is inevitable.
Nakarating kay Mike ang mga nabanggit ni Gabby sa kaututang dila niya. At doon na-finalize ang kanyang desisyon…
BINABASA MO ANG
TINAMAAN NG LINTEK
RomanceKahit gaano ka katapang, kapag tinamaan ka, wala kang laban. Ganyan ang nangyari kay Mike nang tinamaan siya ng lintek ni Gabby. Ano kaya ang nangyari matapos silang magkita?