Chapter 28

273 5 0
                                    

Chapter 28

Lhaii POV:

Paggising ko pumunta ako sa kitchen upang mag-breakfast. Habang kumakain ng cereal kinuha ko ung baso ng biglang nabitawan ko ito.

Nakaramdam ako ng kaba kaya napahawak ako sa dibdib ko.

Tumunog ang doorbell.

Pinalinis ko nalang kay yaya yung nabasag ko at umalis para buksan ang pinto.

“Bakit nandito kayong dalawa?”

Hindi ko alam ang mga reaksyon nila. Kinakabahan o nagmamadali na ewan.

“Aalis na si Ken at pupunta na siya sa Korea ngayon.” – Zhai.

“So yan lang ang pinunta niyo dito?”

Palagi nalang kumikirot ang puso ko sa tuwing naririnig ko ang pangalan ni Astel.

“Napakatigas talaga ng puso mo. Mahal ka ng tao Lhaii.. hindi ka naman ganyan dati ah.” – Nhei.

“Hindi niya ako mahal. Kung mahal niya ako hindi siya susuko at aalis. Manloloko siya.” – me.

“Kasalanan mo rin dahil hindi mo siya binigyan ng pag-asa kahit konti na mahalin ka niya. Makasarili ka.”

Nasaktan ako sa sinabi niya.

“Kung makasarili ako bakit tinutulungan ko pa kayo kapag may problema kayo? Na ako lagi ang takbuhan niyo? Kung yan lang ang dahilan ng pagpunta niyo… makakaalis na kayo.” may diin na sabi ko sabay talikod. Baka ano pa ang masabi ko at mag-away pa kami.

“Oo hindi ka makasarili sa iba pero mismo sa sarili mo pinagdadamot mo ng lumigaya.” – Nhei.

“Sarado ang puso ko sa iba. Isa lang ang pwede magbukas nito.” sabi ko. “Inaamin ko hanggang ngayon naghihintay ako sa batang nakilala ko noon. Siya na siguro ang first love ko. Siya lang mamahalin ko kaya hindi ko kayang mahalin si Astel. Kaya ko siyang iwasan noon at kaya ayaw kong iparamdam niya na mahal niya ako dahil masasaktan lang siya.”

“Ayaw mo bang makasama ang first love mo? Yung batang nakilala mo noon? Yung batang nangako sayo na babalikan ka? Ayaw mo ba siyang makita?” – Nhei.

Napatigil ako sa kinatatayuan ko.

Nakaramdam ako ng kasiyahan. Matagal ko na siyang hinihintay.

Lumakas ang pintig ng puso ko kaya bigla akong napahawak sa dibdib ko. Pumikit ako at kasabay nito ang pagpatak ng aking mga luha.

[FLASHBACK]

Nasa isang bench ako. Masaya kong binubuksan ang baon ko na luto ni daddy.

Habang masaya akong binubuksan ito may biglang kumuha at tinapon sa sahig. Napatingin ako sa may gawa. Hindi ko sila kilala;  tatlong babae.

“Kawawa…. Kawawang bata… wala na siyang baon.” – G1.

Binelatan nila ako.

Umiyak na lang ako.

Sabi kasi ni daddy sa akin ‘kapag inaaway ka umiwas ka na lang sa gulo. Lagi kang magpakabait.’

“Iyakin ka pala. Weak. Weak ka.” – G2.

Lalo akong napaiyak. Hindi ako pinalaking matapang.

Sweet, caring, and loveable ako sabi ng mga magulang ko at mga kaibigan ko. Si Nhei at Bryan ang laging nandyan para sa akin.

Sasampalin na sana ako nung isa kaya pumikit ako.

“Huwag mo siyang sasaktan.” Rinigkong sigaw ng isang batang lalaki.

The Maldita GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon