Chapter 18

285 7 0
                                    

 

Ken POV:

 

Nararamdaman ko na may mga bumubuhat sa akin, ang dalawa kong kamay ay nakapatong sa mga balikat nila ngunit hindi maliwanag ang mga mukha nila. Nahihilo pa rin ako dala na rin ng tama ng alak na nainom ko.

“Mauna na ako, ikaw na ang bahala diyan kay Ken.” narinig ko na sabi nung isa.

“Puny*ta iiwian mo ko dito para magbuhat sa kanya.. Cedric bumalik ka dito.”

 

Pilit akong binubuhat ng babaeng to paakyat ng hagdan.

“Sino ka?” tanong ko sa kanya dahil hindi maliwanag ang mukha niya.

“Lasing ka nga. Hindi na importante kung sino ako.” sabi niya.

Pagpasok sa kwarto bigla niya akong binagsak sa kama.

“Basted ako.. basted .. naiintindihan mo?” sabi ko na basag ang boses.

“Marami namang babae diyan.. diba ganyan naman kayo? Pagkatapos mabasted sa isa maghahanap na kayo ng iba.”

 

“Hindi ako ganon. Hindi mo ako kilala. Mahal na mahal ko siya, patutunayan ko sa kanya na hindi kalokohan ang nararamdaman ko sa kanya.”

 

“Paano ayaw niya parin sayo, hindi ka niya gusto.”

 

“Wala akong pakialam basta ang mahalaga maniwala siya na mahal ko siya, na willing akong maghintay, payagan lang niya akong iparamdam sa kanya.”

 

“Hinintay mo nga siya pero hindi ka pa rin niya gusto.. masasaktan ka lang.”

 

“Ano bang pake mo? Sino ka ba sa buhay ko? Sa tingin mo ngayon hindi ako nasasaktan? Buong buhay ko ngayon lang ako nagmahal.. bakit sa isa pang maldita na tulad niya? Ang sakit… sakit.”

 

Naramdaman ko na may mga tumulong luha sa mga mata ko. May nagpunas nito.

Hindi ko na alam ang nangyayari sa akin, umiikot ang paningin ko.

Hinawakan ko ang kamay ng babaeng ito at minulat ko ang aking mga mata, nakahiga ako sa kama at nakaupo siya. Bigla-bigla ko na lang siyang hinalikan sa labi. Ang lambot ng labi niya.

“Napakabastos mo.”

Pagkasabi niya nun ay bigla niya akong sinuntok. Nahilo ako. Unti-unti akong pumikit.

Kinabukasan nagising ako na masakit ang ulo. Ano bang nangyari sa akin? Hinawakan ko ang ulo ko. Ang naaalala ko may nagdala sa akin dito sa bahay, isang babae at si Cedric. Pero hindi ko masyadong nakita ang mukha ng babae, hindi malinaw. Hindi ko alam kung sino siya.

Napanaginipan ko pa siya, kung ano-anong sinasabi ko sa kanya at bigla ko na lang siyang hinalikan na parang totoo. Napahawak ako sa labi ko. Bakit ko pa kasi naisipang uminom? First time kong maglasing ng todo dahil lang sa isang babae na binasted ako sa harap ng maraming estudyante. Nasaan na ang dating Kenzo Astel na mapang-asar, sweet at gwapo na gusto ng lahat?

Ding.dong.ding.dong

 

Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Kim.

“Anong ginagawa mo dito Kim?” matigas na tanong ko.

“Umagang-umaga ganyan ang ibubungad mo sa bisita? Pwede munang pumasok?” sincere na tanong niya.

 “Ano naman ang kailangan mo?”

 

Si Kimberly Xeon ay 3rd year student at nakasama ko sa Korea. Inakala niya na gf ko si taray at siya rin ang nag-utos na i-flat ang gulong ng kotse nila taray. Pinapasok ko at pinag-serve ng mga katulong.

“Nagpunta ako dito upang magsorry sa mga nagawa ko. Nagawa ko lang yon para sa kapatid ko. Please.. bumalik ka na ng korea.. please..” sincere na sabi niya.

“Ayoko Kim. Tapos ano maawa na naman ako sa kapatid mo at susundin lahat ng gusto niya? May freedom din ako.”

 

“Please. Palala na ang sakit niya at hinahanap ka niya araw-araw.”

 

Napaluha na siya.

 

“Pag-iisipan ko Kim. Bigyan mo muna ako ng time.” sabi ko.

 *****************************************************************
*********************************

#vote&comment....

The Maldita GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon