Chapter 6

579 15 0
                                    

Zhai POV:

Simula ng pinakilala ni Lhaii si Bryan Dirmah, naramdaman ko ang mabilis na pintig ng puso ko. Sophomores pa lang kami nung maging kaibigan ko sila at simula palang masungit na ako ngunit nagbago ang ugali ko ng dahil sa nakilala ko si Lhaii. Sa kanila ko naipakita kung ano ako. Maarte kung magsalita ngunit maganda naman noh. Nung una bilib ako sa kanila, kinakatakutan, pinag-uusapan at pinagtitinginan, ngunit hindi ko inaasahan na magiging kaibigan ko sila. Sa paningin ng iba ang sasama nila ngunit kung makikilala mo sila sa likod ng ugali nila, malalaman mong may mabuting pagkatao din silang tinatago. Idol ko si Lhaii.

Nandito kami ngayon sa little restaurant, inuusisa si Ken kung bakit sinabi niyang boyfriend siya ni Lhaii nang biglang dumating sina Bryan at Vincent.

"Guix, sorry nalate kami." Bryan at tumabi siya kay Lhaii. Si Vincent sa girlfriend niya.

"Bah.. bakit ngayon ka lang?" - Nhei.

"Sorry bah. Nautusan kaming dalawa ni Bryan ni ma'am." - Vincent.

"Ganun ba? Kain ka na." - Nhei.

"Sino naman to? Chick-boy mo Zhai?" - Bryan.

Nakaramdam ako ng pagka-inis sa kanya. Porket may kasamang lalaki chick ko na agad?

"Hindi. Boyfriend ni Lhaii." inis kong sabi.

"Ah? Joke ba to? Pwede na bang tumawa?"

Alam ko namang may pagtingin siya kay Lhaii ngunit bakit ganun? Sumasakit ang dibdib ko. Ayos lang sa akin na magkasama sila dahil parte naman yun ng pagkakaibigan ngunit sa nakikita mo na nasasaktan siya, mas lalo akong nasasaktan.

"Pare.. Ken. Girlfriend ko siya."

Nakiride naman tong si Astel.

"Shit." mahinang sabi niya.

Narinig ko ang sinabi niya, sa tingin ko I like him pero si Lhaii hindi ko alam kung ano ang nararamdaman niya kay Bryan.

"Totoo ba to Lhaii?" seryosong tanong niya.

"Hin-"

"OO, BOYFRIEND NIYA. BALITA NA NGA EH."

Napasigaw na pala ako. Lahat ng tao napatingin sa pagsigaw ko ngunit wala akong pakialam sa kanila. Umalis bigla si Bryan. Alam ko namang nasasaktan siya, pareho lang kaming nasasaktan, tumayo si Lhaii.

"Saan ka pupunta babe?"

"Kasalanan mo kasi to eh. Bwiset ka." - Lhaii.

Alam kong hahanapin ni Lhaii si Bryan. Ayaw niyang nagkakaroon ng problema ang pagkakaibigan namin, mabait si Lhaii pero nakakatakot kapag galit yan noh. Masakit pala na ang taong gusto mo, mahal niya ang bestfriend mo, masakit di ba? try niyo! Chena!

"Zhai, umiiyak ka ba?" - Yhan.

"Ahh.. wala napuwing lang ako." pagsisinungaling ko.

"CR lang ako, huwag niyo na akong hintayin."

Umalis na ako doon. Lumuluha na pala ako. Alam mo ba ang nararamdaman ko? Parang dinudurog ang puso ko. Alam mo ba yung sinasamurai X ang puso mo? Marami naman ang nagkakagusto sa akin pero bakit sa ASUNGOT na yun pa ako nagkagusto? Hahanapin ko na nga lang sila. Nag-ayos na ko ng sarili ko. maganda parin ako kahit bagong iyak.

Umikot-ikot ako hanggang sa nakita ko sila---MAGKAYAKAP---. Sh*t. ang sakit ng nararamdaman ko. Si Lhaii ayaw na ayaw niyang hinahawakan. Tumataas ang kilay niyang nakakatakot pero kay Bryan hindi man lang nagreklamo. Gusto rin niya kaya siya? Umalis na ko doon. Hindi ko na kaya ang mga nakikita ko. Siguro nga MAHAL KO NA SIYA kasi hindi naman ako masasaktan *hik* ng ganito kung hindi ko siya mahal.

Anong gagawin ko? Pipigilan ko ba to? Paano? Kung lagi ko silang kasamang dalawa hindi ko kaya. Lumuluha na naman ang mga taksil kong mga mata. Bestfriend ko si Lhaii.. hindi ko kayang ipaglaban ang nararamdaman ko lalo na't bestfriend ko ang mahal niya.

"Bakit ka umiiyak?" tanong niyang mapang-asar.

Napatingin ako at nagpunas ng luha. Ayaw naming may nakakakita na umiiyak kami dahil maldita kami sa school. Ganon ang sabi ni Lhaii sa amin, luha nag pinaka nakikitang kahinaan daw sa isang tao.

"Sinong umiiyak? Umalis na nga kayo, mga bruha." mataray na sabi ko.

"DENYING.. kawawa ka naman, inagaw ng friend mo ang taong gusto mo. Pareho tayo ng nararamdaman, mang-aagaw ang friend mo."

Nasaktan ako sa sinabi niya pero hindi ako nagpa-apekto.

"We are not the same. DAH? Mas kawawa ka naman kasi para kang aso. Spell? A-S-O. humahabol sa lalaki na ayaw sayo."

Siya yung girl na humarang kanina. Kim? Naapektuhan naman siya sa sinabi ko at sasampalin na sana niya ako ng may pumigil sa kanya.

"HUWAG NA HUWAG MONG SASAMPALIN ANG MGA KAIBIGAN KO DAHIL AKO ANG MAKAKALABAN MO, BWISET KA!" mataray at punong puno ng galit na saad ni Lhaii.

Nakakatakot ang mga mata niya talaga kaya hindi ko siya kayang saktan noh. Natakot naman sila at biglang umalis. Mga bruha talaga.

"Ayos ka lang ba?" - Lhaii.

"Ahh. Oo." - cold tone na sabi ko.

"Sigurado ka ba? Hindi ka ba nila sinaktan?"

"Oo. Hindi." cold tone na sabi ko parin.

"Tara na." - Lhaii.

"Sige." - ako.

"Ayos ka lang ba talaga? Ang cold mo." - Lhaii.

"Hindi.. tara na." - ako at tuluyan ng naglakad kasama siya.

***************************************************************************************************

#vote&comment...

The Maldita GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon