Chpater 44

275 3 1
                                    

Chapter 44

Lhaii POV:

Naiinis ako sa sarili ko.

Bakit ako nasasaktan ng ganito?

Dati wala naman akong pakialam kung ayaw nila sa akin. Bakit ngayon nararamdaman ko yung sakit?

Iniwan ko si Kenzo doon.

Sa totoo lang ngayon lang tumagos sa puso ko ang mga sinabi niya na sinungaling ako.

Bakit?

Bakit?

Nangako siya na hindi niya ako kayang saktan at kakampihan niya ako kahit mali ako. Nasaan na ang pangako niya? Bwiset na lalaking yon.

“Kumain na kayo girl. Huwag mo ng isipin muna yon.” – Nhei na sumubo.

Wala ang mga boys. Busy sila eh.

Ngumiti ako ng pilit sabay snob sa kanila.

“Ayokong kumain. Wala akong gana. Kayo nalang.”

“Ewan ko sa inyo sobrang problemado niyong dalawa. Pati si Zhai ayaw kumain. Lhaii, ikaw na ang nagsabi noon na lahat ng lalaki manloloko.” diretsong saad ni Yhan.

Tinamaan ako sa sinabi niya. Pero totoo naman ang sinabi niya.

Oo. Sinabi ko noon yon dahil hindi ko pa alam ang pagmamahal.

Ngunit mas nahihirapan si Zhai sa amin. Hindi niya makuha ang puso ni Bryan. Matagal na siyang nagtitiis at naghihintay pero nawawalan na siya ng pag-asa.

Hindi ko kayang magtaray kay Yhan kaya naisipan kong umuwi nalang sa bahay. Hindi na ako pumasok sa last subject ko dahil hindi ko kayang mag-focus sa lesson ko. Baka kapag nagtanong ang prof, masigawan ko pa.

Si mommy nagtataka na sa kalagayan ko.

Ewan ko bakit ako ganito.

Wala kayong pakialam kung nagkakaganito ako. Hindi niyo alam kung ano ang nararamdaman ko.

Nagising ako na mugto ang mga mata.

Hindi ako pumasok sa school. Gusto ko sa bahay lang. Ayoko sa condo ko dahil naaalala ko lang yung bwisit na Astel na yon. Nanghihina rin ang katawan ko dahil hindi ako kumakain. Sumasakit din ang ulo ko.

“Mam handa na po ang pagkain ninyo at may naghahanap po sa inyo sa baba.”

“Sige po, susunod nalang po ako.”

Pagbaba sa hagdan isang familiar na tao ang nakita ko.

“Bakit ka nandito? Naliligaw ka ata?” mataray na tanong ko kahit mukhang nanghihina ako.

Nakita ko sa mga mata niya ang pagkagalit ngunit hindi ko alam kung bakit.

“Lhaii… MAHAL MO BA TALAGA AKO?” diretsong taong niya.

Bakit niya kinu-question ang pagmamahal ko?

“Bakit ka ganyan magsalita? Ano bang nangyari sayo? Pupunta ka dito at yan lang ang itatanong mo?”

“Sagutin mo ako. MAHAL MO BA AKO? GUSTO KONG MALAMAN.” pasigaw niya.

Slapp**

Sinampal ko siya dahil na galit na ako.

Hindi kasi niya alam ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko namalayan tumulo na ang mga taksil kong luha. Nanghihina na ko lalo na hindi pa ako kumakain.

“Bakit kailangan mong malaman? Hindi pa ba sapat ang mahigit na isang taon na pinakita ko sayo at pagsasama natin? Nang dahil sayo [turo sa dibdib niya] nagbago ako. Bakit ikaw mahal mo rin ba ako?” tanong ko sa kanya.

The Maldita GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon