Chapter 23

354 7 1
                                    

Ken POV:

 

Nasa hospital ako ngayon. Hindi ko pinaalam sa mga magulang ko ang nangyari dahil nasa Korea lahat sila. Ayos narin ang pakiramdam ko at ang paa ko.

Wala talaga akong halaga sa kanya kahit konti. Hindi man siya nagpakita ng pag-aalala noong nasa gubat kami. Hinayaan lang niya akong may sakit at siya pa ang may ganang magalit sa akin. Kahit puntahan ako dito upang kamustahin ang kalagayan ko hindi niya magawa. Sabagay sino nga ba ako sa buhay niya? Isang hamak na kinaiinisan niya.

Ginawa ko na ang lahat. Sinubukan ko siyang ligawan ngunit na basted agad, pinahiya sa maraming tao at pinagsalitaan ng masasakit na salita. Kahit nasasaktan ako ayos lang makita ko lang siya, mahal ko eh.

Tanga ka talaga kapag nagmahal.

Ngunit hindi ako sumuko. Sinuyo ko siya, nagbaked ako araw-araw ng iba’t ibang recipes ng mga cookies, cupcakes at cake. Pinapadalhan ko pa siya ng bouquet of roses araw-araw ngunit wala parin sa kanya yon, iniiwasan parin ako. Nakipagkaibigan ako kahit ayoko pero dahil mahal ko siya ginawa ko para lang huwag niya akong iiwasan. I’m being sweet and gentleman to her but she always got irritated. Wala na akong maisip na gawin para lang mahalin niya. Lahat na ginagawa ko para sa kanya.. hindi niya ba nakikita yung effort at time ko para sa kanya?

Masyado na ba akong tanga na umaasa sa wala? Sa isang tulad niya na hindi marunong magmahal? 

Hindi ko maintindihan sa dami-dami ng babae na nagkakagusto sa akin sa kanya pa na hindi ako gusto nahulog ang puso ko.. kung pwede lang turuan ang puso na magmahal sa iba ginawa ko na..

“Bro ayos ka na ba? Pwede ka ng umuwi bukas sabi ng doctor.” sabi ni Tan.

“Physically yes but not emotionally.” walang gana kong sagot sa kanya.

“Si Lhaii na naman? Diba sabi ko sayo umpisa pa lang ibang klase ang taong minahal mo.” sabi niya.

Kahit may pagkanerd yan astig din siya, tinatago lang. Siya ang maituturing kong bestfriend, sa kanya ko naibubuhos ang sakit na nararamdaman ko.

“Tama ka. Iba nga siya, pati puso niya bato.” sabi ko.

“Ngunit mahal mo naman.” pang-aasar niya.

“Ano pang effort ang kailangan kong gawin para makita niya ang pagmamahal ko?” seryosong tanong ko.

“Bro.. effort ka nga ng effort, pinapansin ka ba? That’s the pathetic part of being inlove, you’re willing to do anything for nothing. Pero payo ko lang, matuto kang sumuko kapag alam mong nasasaktan kana ng sobra sa taong hindi ka pinapahalagahan .. dahil sa pagmamahal mo sa kanya  baka nakakalimutan mo na ang sarili mong mahalin.”

 

Lahat ng sinabi niya ay tama. Ngunit sobrang nasasaktan na ba ako para sumuko?

Ano sa tingin niyo ang dapat kong gawin? Kailangan ko na bang sumuko agad? Ibibigay ko na lang siya basta- basta kay Bryan?

NO! Hanggang kaya ko hindi ako susuko.

Biglang bumukas ang pinto at sabay kaming napatingin ni tan-tan.

Sina Vincent at kasama ang tatlong maldita. Hindi talaga ako pinuntahan ni taray. Nalungkot ang aking puso.

Ngumiti si Zhai sa akin ngunit ang dalawa walang reaction mataray parin ang mukha.

“Bro kamusta na ang paa mo?” tanong ni Vincent.

“Heto ayos na.. nakakalakad pa rin.” casual na sabi ko.

The Maldita GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon