Chapter 3

746 16 0
                                    

Chapter 3

 

Lhaii POV:

 

Buong bakasyon wala kaming ginawa kundi magshopping, outing and bonding sa bahay. Ngayon pasukan na…

“Sweetie.. bilisan mo nang kumain, late ka na. And sumabay ka na sa amin, ihahatid na kita bago ako pumasok sa office.” Mom said.

“Mommy mauna na kayo baka malate ka rin kaya ko na sarili ko. Nandiyan naman si manong Estor, siya na lang maghahatid sa akin.”

Simula ng araw na kinausap ako ni mommy about kay daddy, hindi narin niya ito muling binanggit. Si Louie na kahit hindi ko tunay na kapatid, para sa akin tunay ko parin siyang kapatid. Anak siya ng kapatid ni mommy kaya lang ay namatay ito habang ipinapanganak noon si Louie kaya’t kami na ang nag-alaga sa kanya at ang daddy niya hindi naming alam kung sino.

 

“Okay sige. Sweetie mag-ingat ka, bilisan mo na diyan. Tara na Louie ikaw na lang ang ihahatid ko.”

 

“Bye ate.. muawh.” saad ni Louie at hinalikan ako sa pisngi.

“Bye. Ingat kayo.” nakangiting sabi ko sa kanila. Hindi ko ugali ang humalik sa pisngi kahit kay mommy at Louie. Di ba sabi ko na ayaw ko sa sweet, kasi hindi ako sweet.

[SCHOOL]

Sa labas ng gate ang daming estudyanteng pumapasok, kung makikisabay ako sa agos ng pila malalate talaga ako. Lumapit ako.

“EXCUSE ME!!!” sumigaw ako para tumingin sila at tinaas ko pa ang kilay ko. Looking scared ako.

“TUMABI KAYO AT DADAAN AKO.”

 

Tumabi lahat sila at binigyan ako ng daan. Takot lang nila. Nakapasok na rin. Tinignan ko ang section ko at sa star section ako pati narin mga kaibigan ko. Pagpasok ko sa room…

“Hi! I’m Kenzo Astel, 18 years old. Nice to meet you all.” At biglang nagtitili ang mga classmate ko.

“Hay!!! Ms. Villanueva you’re late.” saad ng teacher. Siguro napansin niya akong nakatayo sa pinto.

Umupo na yung guy na nag-introduce.. parang familiar siya. Huwag na ngang pansinin.

“I know ma’am.” walang ganang sagot ko.

“And why are you late?’ mataray tong teacher ahh, masubukan nga siya.

“Tinatanong pa ba yan ma’am? Natural kapag late hindi maagang nagising. Get’s?” mataray kong sabi.

“Sumasagot ka pa? maldita ka nga. GET OUT!!!” turo niya sa labas.

Ano ba yan? First day of class, naiinis na ako…

“Ma’am, tinatanong niyo ako kaya natural sasagot ako.” sarcastic na sagot ko.

Lahat ng classmate ko, gulat.. hindi pa sila nasanay.

“GET OUT!” saad pa rin niya

“Hi! I’m Louisa Mae Villanueva, 17 years old.. ONE AND ONLY MALDITA. Nice to meet you all, CLASSMATE.” sarcastic kong sabi at hindi ko pinansin yung teacher. Get out niya mukha niya. Sigurado nagpipigil sa galit yan.

Umupo ako sa dulo sa tabi ni Nhei at sa side si Yhan and Zhai. Wala namang nagawa yung teacher kaya pinabayaan na lang ako. Ganon naman lagi, late lang naman ang problema nila pero MATALINO naman ako. Top 3 nga ako sa klase nung third year kaya kilala niya ako.

“Girl ang taray ah!! Umagang-umaga..” bulong ni Zhai at ngumiti lang ako.

“Matatawag ka na naman niyan sa guidance.” saad ni Nhei.

 

“Okay lang yun girl, magready siya.” saad ko.

“Sa last row, magpakilala na kayo.” saad ng teacher.

Tumayo naman yung tatlo. Late ako pero nauna pa pala akong nagpakilala sa kanila.

“Hi! I’m Marie Yhannie Jane Alcantara or Yhan.” Tipid na sagot na may pagkamataray sa boses niya.

Lahat tahimik sa room kapag kami na ang nag-iintroduce.

“Hello! I’m Daniella Zhaira Lim or Zhai. I’m not friendly but I have best friends and don’t talk to me if it’s not important. That’s all.” saad ni Zhai na may pagkamaarte ang boses, half Korean kasi.

“Hello everyone. I’m Joanna Nicole Dirmah or Nhei, 17 years old. I’m silent type and if I’m mad, matakot na kayo.” saad niya. Kahit tahimik yan nakakatakot parin kapag galit.

Ganyan kami sa school, iniiwasan, pinag-uusapan at pinagtitinginan, pero sanay na kami, ganyan talaga.

“Okay, you’re sitting arrangement.. I will fix it.. blah..blah..blah”

 

“Mr. Dirmah and Ms. Lim magkatabi kayo” saad ng teacher. Siya si Bryan Dirmah, pinsan ni Nhei at magkababata kaming tatlo niyan kasama si Nhei.

“Mr. Quinta and Ms. Dirmah” siya si Vincent Quinta, boyfriend niya. Magkatabi ang lovers.

“Mr. Morales and Ms. Alcantara.” siya si Jonathan Morales, may pagkanerd. Kawawa naman si Yhan, tahimik ang nakatabi niya.

At last na tinawag ang apelyido ko..

“Mr. Astel and Ms. VILLANUEVA.”

Grabe, galit talaga ang teacher na to sa akin.. sobrang emphasis ang surname ko. Sorry hindi ko kilala ang katabi ko, Astel daw? Transferee siguro, makaupo na nga.

Magkakalapit lang kaming magkakaibigan sa upuan. Sa left side namin yung mga boys na katabi namin. At dahil galit si teacher nakinig ako. Puro ako ang tinatawag pero sorry siya dahil matalino to. Feeling ko nakatingin ang katabi ko, bahala siya dahil wala akong panahon para makipag-usap sa lalaki. Si Bryan lang talaga ang nakaka-usap ko na boy kasi ang iba tinatarayan ko. Pano ba naman.. ‘miss anong number mo?’ ‘Hello, ganda mo.’ Totoong maganda ako pero naiinis ako sa mga ganon. 

***************************************************************************************************

#vote&comment...

The Maldita GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon