Chapter 46

273 2 2
                                    

Chapter 46

Ken POV:

Isang malaking katanungan sa aking isip na makita si Lhaii na buhat ni Bryan.

Nakaramdam ako ng selos, kaba at galit.

Hindi ko alam ang nagyari.

Nasaktan ba si Lhaii? Bakit hindi nila sabihin sa akin? Ako ang boyfriend.

Kitang-kita ko ang seryoso at galit na mukha ni Bryan.

Bakit bigla na lang kaming nilagpasan na parang walang nakita?

Kanina pa ko isip ng isip kung ano talaga ang nangyari.

I asked her friends but they don’t know what happened too.

Naisipan kong pumunta sa condo niya. Nagluto ako ng dinner para kapag dumating siya, kakain na lang siya.

Si Rhian ayos na siya. Kailangan niya paring magpalakas, mahina parin ang katawan niya. Sinasamahan ko siya minsan para sa recovery niya.

Alam ko, pwede kayong magalit sa akin. Nilabag ko ang kasunduan namin ni Lhaii sa hindi ko paglapit kay Rhian dahil galit siya sa pamilyang Xeon. Kung kayo ang nasa sitwasyon ko, ang hirap.

Nagmamaka-awa si tito Vaner, nakikita ko yung pagmamahal; na gagawin ang lahat kahit ibaba ang pride niya. Naawa rin ako kay Rhian, sobrang nag-iba ang mukha niya at si Kim lumuhod sa harapan ko na umiiyak.

Mali ba ang ginawa ko? Tumulong lang ako.

Kahit ayokong suwayin si Lhaii nagawa ko dahil sa awa. Hindi ko planong magsinungaling sa aking pinakamamahal. Ang kaso iniiwasan ko ang galit na pwedeng gawin niya.

Pumunta ako sa sala para doon na lang siya hintayin.

Bukas ipagtatapat ko na ang lahat. Baka malaman niya pa sa iba. Alam ko magagalit siya ngunit kailangan kong ipagtapat nangako ako na ‘No lies in our relationship.’

Kinabukasan.

Nakatulog pala ako dito sa sala. Umakyat ako sa kwarto niya. Wala siya.

Hindi umuwi?

Hindi rin nagalaw ang mga pagkain.

Alam ko hindi siya uuwi dito kapag may problema siya.

Kahit nalilito ako sa mga nangyayari naisipan ko munang umuwi sa condo ko. Naligo at nagbihis na ako.

Kailangan ko siyang kausapin.

Pumasok muna ako sa mga subject ko. Hindi ako makapag-focus sa lesson. Hanggang ngayon maraming nabubuong tanong sa isip ko. Masyado lang siguro akong praning. Maayos din ang lahat diba?

Kenzo, ayos lang kayo. Relax.

After class pumunta ako sa cafeteria. Nakita ko sina Bryan at Lhaii na masayang nagkukwentuhan. Hindi ko alam pero bigla na naman akong nagselos. Naghintay at pinagluto ko siya kahapon ngunit kasama niya lang si Bryan?

Alam ko ayos na kami ni Bryan pero naasar ako. Lumapit ako sa kanila ngunit hindi nila ako pinapansin. Hinawakan ko siya sa kamay at hinila.

Tumingin siya kay Bryan na sinasabing ‘kaya ko ito.’

“ANO BA! BITAWAN MO AKO!” sigaw niya.

Napatingin lahat ng students dito.

“Ano bang nagyari sayo? Yung kahapon?”

“Tanong mo yan sa sarili mo. IKAW NA RIN ANG UMALAM SA KASALANAN MO! Mula sa araw na ito break na tayo.” nakapikit na saad niya sa last line. Nakikita ko ang galit at sakit na nararamdaman niya.

The Maldita GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon