Chapter 32

291 5 0
                                    

Chapter 32

Lhaii POV:

Simula nung maging kami ni Kenzo... tama Kenzo na ang tawag ko sa kanya; one year and four months na kami.

Ang tatag no?

Maraming masasayang araw ang nangyari sa amin. Lagi siyang nag-e-effort at may time sa akin.

Pinapakita niya kung gaano niya ako kamahal at kaseryoso kahit tinatarayan ko siya. Lagi parin niya akong nilalambing kahit hindi ko masabi na mahal na mahal ko siya; pinaparamdam ko naman sa kanya.

Kapag monthsary naming lagi siyang may surprise na hindi mo inaasahan.

Sa pag-ibig minsan nababago niya ang pagkatao mo. Ngunit hindi parin ako mabait. Konti lang ang pinagbago ko... ang masanay na sweet ang boyfriend ko.

Sa high school naging partner ko siya sa masquerade party, JS prom, debut at sa mga contest. Naging makulay ang highschool life ko. Ngayon magsesecond year college na kami.

Hindi ko inisip na tatagal ang relasyon namin ni Ken

Pinakilala niya ako sa ate Jhen niya at sa mommy niya. Mabait naman ang mommy niya at yung ate niya nung una tinarayan ako kaya syempre tinarayan ko rin. Hindi naman kasi dahil ate siya ni Ken magpapakabait ako sa kanya. Hindi ako plastic. Kung ayaw niya sa akin ayaw ko rin sa kanya. Pero mabait naman pala siya, arte niya lang pala yun. Kung talagang mataray ako syempre hindi mawawala ang pagkamaldita ko no.

Madalas din kaming mag-away kasi mapride ako. Ngunit siya ang nagpapakumbaba at hindi siya nagsasawang lambingin ako.

Akala ko puro lungkot lang ang pag-ibig mas masaya pala sa pakiramdam na may nagmamahal sayo.

Masasabi kong hindi ko na kayang mawala si Ken sa buhay ko. Baka makakapatay ako.

Walang hahadlang sa pagmamahal namin.

Naging matured narin kami.

Si Bryan nasasaktan parin ngunit tinatanggap na lang niya na friend lang talaga kami. Hindi naman nawala ang time ko sa kanya, ganon parin.

Minsan nga si Ken ang cute niyang magselos kay Bryan.

Nandito lahat kami ngayon sa beach sinusulit ang nagtatapos na bakasyon dahil malapit na ang pasukan.

Nakaupo ako sa isang malaking bato habang sila masayang nag-iihaw ng pagkain para sa hapunan.

"Ano ang iniisip ng babe ko?" tanong ni Astel pagkatapos ay niyakap niya ako mula sa likod.

Masasabi kong nagbago ako kahit konti dahil kay Ken.

"Wala naman."

"Alam mo sobrang saya ko ikaw ang minahal ko. Hinding-hindi kita pakakawalan."

Hinigpitan niya ang yakap niya.

"Lagi ko nalang naririnig sayo yan. 100x na kaya."

Ngumiti lang siya.

"Kayong dalawa tama na yan kakain na." sigaw ni Yhan.

Tumayo na kami.

"Babe subuan kita."

"ANG SWEET." sigaw nila.

Pinagtaasan ko lang sila ng kilay.

Kumain na lang kami.

Nagvolleyball lahat sila. Ako naiwan dito sa resthouse.

Pumunta ako sa kitchen.

"Bryan akala ko bang nagvolleyball kayo?"

The Maldita GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon