Chapter 10

472 11 2
                                    

Lhaii POV:

 

Minulat ko ang aking mga mata. Umaga na pala. Naalala ko tuloy na binuhat ako ni pesteng Astel papunta sa kwarto ko at nakatulog ako bigla. Wala na akong maalala pagkatapos. Ayos narin ang pakiramdam ko. Bumalik ang dati kong sigla. Hindi narin sumasakit ang ulo ko. May bigla akong naalala kagabi, parang may yumakap sa akin at nakaramdam ako ng init sa katawan. Siguro isang panaginip lamang, dala na rin ng may sinat ako kagabi. Nakita ko ang black jacket na pinasuot sa akin ni Astel. Ang aking pinagtataka ay kung bakit ako ang tinulungan niya sa halip na si KIMpakta, tanga na, bobo girl pa. Naligo at nagbihis na ako pagkatapos ay bumaba na ako at nakita ko ang mommy ko.

 

“Good morning sweetie.” nakangiting bati ni mommy.

Si Louie nagbakasyon kina lolo, ama ng aking ina na hindi ko kinalakihan. Namuhay ako na kasama lang ang aking mommy. Madalas  pa rin na kaibigan ko ang nakakasama ko.

“Good morning mom.” casual na saad ko.

Nilahad niya ang mga pagkain na niluto niya.

“Mommy, why did you cooked? Malalate na po kayo sa work niyo.”  madalas sa umaga cereal lang kinakain ko dahil maagang umaalis si mommy para sa work niya.

“It’s okay sweetie. Do you feel fine now? Pagbigyan mo na ako, napapabayaan na kita ng dahil sa trabaho ko.” lambing ng aking mommy.

Ayoko ang nilalambing niya ngunit mapilit po yan. Saka kapag kausap ko yan walang katarayan ng boses dahil sa malaki ang respeto ko sa aking mommy.

“Yeah, I’m okay mommy. Thanks for caring me.”

 

“Not me. Your classmate is the one who cared you last night. You need to thank him.”

 

“What? Are you sure? Inalagaan ako nun?” ang akala ko kaagad na siyang umuwi.

“Yeah. I’m sure sweetie. I like him. He is cute, Korean eye and–“

 

“Mommy! Stop describing him. I better go, I’m late.”

 

“Take care sweetie.”

 

Pumasok na ako at as usual late na naman ako, walang pagbabago. Tahimik lang akong nakikinig sa teacher. Naalala ko tuloy ang nangyari sa KIMpakta na yon.

[FLASHBACK]

 

Umalis na sina Bryan and Zhai. Ang pinagtataka ko ay kung bakit wala pa ang driver ko.

 

“Hindi na darating ang driver mo at kung ako sayo mag-jeep ka na lang, poor girl.” mataray na saad niya. Biglang sumakit ang ulo ko, pinipigilan kong maasar.

 

“Sa tingin ko mas bagay sa tulad mo ang sumakay ng jeep. Why? Dahil bagay ang mga KIMpakta, bobo girl at tanga na tulad mo don.” tingin mula ulo hanggang paa at ngiti nang mapang-asar at tinaasan ng kilay.

 

“Puny*ta kang babae ka.” sasampalin na niya sana ako ng hinawakan ko ang kamay niya.

 

“Bitawan mo ako. Siguradong-sigurado ako na hindi makakarating ang driver mo kaya manigas ka diyan.” sabay bawi ng kamay niya.

The Maldita GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon