CHAPTER 30

62 3 14
                                    

Nakatulala ako sa kisame habang nakahiga dito sa kwarto ko. Ilang oras na bago ako nagising pero hindi pa rin ako bumabangon.

Natatakot akong baka umalis talaga si mommy at sumama kay Thomas. Natatakot ako para kay daddy at Zia. Silang dalawa ang mas masasaktan.

Gusto kong makausap si daddy para matapos na ito. Kung ano mang desisyon ni daddy ay doon ako.

Nagpasya akong bumangon at simulang basahin ang mga sulat ni Emilie. Buong araw kong pagtutuunan ito dahil wala akong pasok ngayon. Sabog na sabog ako ngayon dahil sa nanyari kagabi.

Mabuti na lang at sabado ngayon dahil ayokong magpakita kay Teivel na ganito ang itsura. Hindi ko din alam kung pano ko sasabihin kay Teivel na may namamagitan na uli sa mommy ko at sa tatay niya.

Bumuntong hininga ako. Inabot ko ang bag ko at umupo sa kama ko. Binuksan ko ito at nilaglag lahat ng laman.

Nagkalat ang mga ibat ibang litrato at mga sulat. Dumampot ako ng isang sulat at binasa 'yon.

'Mahal ko, ikaw ang gusto kong nasa tabi ko at hindi ang kapatid mo. Gusto kong makita ang maganda mong ngiti sa umaga. Miss na miss na kita. Gusto na kita muling makita. Iingatan ko ang sarili ko at ang pinagbubuntis ko. Magiingat ka rin.

Nagmamahal, Emilie

Sino ang lalaking tinutukoy ni Emilie? Baka si Thomas ang tinutukoy niya. Siya ang ama nila Than at Teviel eh. Pero.. ang sabi sa sulat. Gusto niyang makasama ang lalaking tinutukoy niya kesa sa kapatid nito.

May kapatid ba si Thomas? Wala akong naaalalang binanggit nila Than saakin na kay kapatid si Thomas.

Muli akong kumuha ng sulat at binasa iyon.

'Hirap na hirap na ako.. lagi niya akong pinapahirapan. Lagi niya akong sinasaktan. Kinukulong niya ako na parang hayop! Binababoy niya ako na parang animal! Mahal, sumulat ka saakin pabalik. Ikaw na lang ang kinukuhaan ko ng lakas. Umaasa akong kukunin mo ako at ilalayo sa impyernong bahay na ito. Umaasa akong tutuparin mo ang pangako mo sa akin. Pakiusap, sumulat ka.

Nagmamahal, Emilie

K-kinukulong na parang hayop? At binababoy na parang animal? Kung tama ako, binababoy siya.. ibig bang sabihin, nira-rape siya? Naisip ko bigla so Teivel at Than. Kung mababasa nila ito ay siguradong magwawala sila.

Tumayo ako at kumuha ng kahon na hindi ko na ginagamit. Bumalik ako sa pagkakaupo sa kama ko. Sa kahon ko ilalagay ang mga sulat at mga larawan na tapos ko na basahin.

Pumulot naman ako ng ilang larawan. Ang larawang hawak ko ay ang unang larawan na nakita namin sa mansyon ng mga Pascua.

Ang larawan kung saan masayang magka-akbay ang apat na magkakaibigan. Si mommy, daddy, Emilie, at Thomas.

Mukhang college students sila dito. Hindi mo maiisip na may gulo sa pagitan nilang apat dahil purong inosente ang kanilang mga ngiti at mata.

I really wanna know kung anong pinagmulan ng kwento nila. Bakit naging ganito sila kagulo ngayon.

Muli kong nakita ang unang sulat na nabasa namin sa mansyon ng mga Pascua.

'Pasensya ka na, mahal. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ako makalaya. Hindi niya ako hinahayaang makalaya. Buntis ako ngayon at hindi ko alam kung anong kasarian dahil hindi niya ako hinahayaang alamin kung anong kasarian ng pinagbubuntis ko. Pero nakakaramdam akong kambal ang magiging anak natin. Gusto kong lumapit sayo para mag sumbong pero hindi ko kaya.. He caged me because he loves me. Ayan ang lagi niyang sinasabi saakin. Mahal, hindi ako magsasawang mag-sulat para sayo dahil alam kong balang araw ay mababasa mo rin ang mga ito. Iingatan ko ang mga anak natin para sayo. Mahal na mahal kita, ---

MY MAN IS A CRIMINALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon