CHAPTER 35

54 3 7
                                    

WARNING!

This chapter might trigger you

>>>>

Bumuntong hininga si Thomas. Nakatayo siya sa harapan ng gate nila at nagdadalawang isip kung papasok ba siya sa mansion nila. Rinig niya ang hiyawan sa loob ng mansion nila. Ibat ibang uri ng tao ang nasa loob.

'Hindi ito ang pinangako nilang buhay sa akin.' Bulong ni Thomas sa sarili.

Kumapit siya sa bag niya at tuluyang binuksan ang napakali nilang gate na gawa sa mamahaling ginto. Sobrang ganda ng mansion nila kung titignan sa labas pero maraming mababangis na hayop ang nasa loob.

"Aba, putang ina! Dinadaya mo na ako, ah!" sigaw ng isang lalaking mataba at maraming alahas sa kamay, leeg, at katawan.

Napa-iling na lang si Thomas dahil sanay na sanay na siyang ganito ang bubungad sa kanya pag-gising niya at pag-uwi galing paaralan.

"Bakit ba ang hina ng ercon dito? King ina, nagmamantika na ako!" (Aircon)

"Gago! Sariling mantika mo na 'yan. Ang taba-taba mo kasi! Bakit hindi ka bumili ng katawan na payat total mayaman ka naman!" pinagtawanan ng ibang kasama nila ang matabang lalaki.

Pinagmasdan ni Thomas ang napakali nilang bahay. Sa dulo ay may mga nagtatalik. Sa gilid naman ay mga mga nagiinuman. Sa tabi niya ay may mga nag susugal at marami pang mga ginagawa ang mga tao sa mansion nila.

"Sa sobrang yaman ko kaya na kitang bilhin." Ngising pagmamalaki ng matabang lalaki sa mga kasama niya sa sugalan.

"Hindi ako magpapabili sa iyo. Baka maging baboy na nagmamantika din ako." Napuno ng halakhak ang mansion nila.

Nakaramdam siya ng awa sa lalaking mataba kaya naman ay sumingit siya. "Kung ako ang bibilhin mo ay hindi rin ako mag papabili. Alam mo ba kung bakit?" tanong niya sa lalaking nanlalait sa matabang lalaki.

Ngumisi ang ilan at pinagtitinginan siya. Nakaramdam naman siya ng kaba at pagsisisi nang nakangising pinantayan siya ng lalaki.

"At bakit?"

"D-dahil.. a-ayokong pumayat tulad mo." Halos bulong na sabi ni Thomas pero narinig ng iba kaya mas lumakas ang halakhak nila.

Nakaramdam siya ng panlalamig ng kamay dahil napansin niyang nakakuyom na ang kamay ng lalaking payat na nasa harapan niya. Nanlilisik ang mga mata niyang mapupula dahil sa droga.

"Oh, wala ka pala sa anak ni Miller eh." Pangaasar sa kanya ng mga tao.

"Gago ka talagang bata ka! Nasaan na ba si Miller. Bakit may pakalat-kalat na batang tanga dito?" sigaw ng lalaking payat.

Kwinelyuhan niya si Thomas ay kinaladkad papunta kay Miller na tatay ni Thomas. Naka-upo si Miller habang nag bibilang ng pera. May alak sa tabi niya at may mga droga rin at baril.

Halos ma-ihi si Thomas sa pantalon niya ng humarap ang tatay niya sa kanya. "Oh, ano na namang ginawa mong hayop ka?" barako ang boses, maraming tattoo, malaki ang katawan, at puno ng alahas ang tatay ni Thomas.

"Itong gagong anak mo pinapahiya ako! King Ina, pag sabihan mo 'yan!" pabatong tinulak ng lalaking payat si Thomas papunta kay Miller.

Agad namang sinakal ni Miller si Thomas sa leeg niya at pinatayo na parang aso. "Ano na namang ginawa mong bata ka!"

Napapikit si Thomas dahil tumalsik ang laway ng kanyang tatay sa mukha niya. "N-nilalait niya kasi 'yung matabang costumer niyo, daddy.. pinagtanggol ko.. Lang.. Kasi.. Mukhang mayaman 'yon.. baka—umalis.. sayang naman... marami siyang.. biniling alak sa—atin.." nanginginig niyang paliwanag sa tatay niya. Ito lang ang tanging paraan na alam niya para hindi siya pagalitan ng tatay niya.

MY MAN IS A CRIMINALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon