CHAPTER 22

53 4 6
                                    

Dumating ang araw ng friday at naging abala kaming lahat. Umaga pa lang ay gising na kami para salubungin ang darating namin na kapamilya. Kahit na inaantok ay pinigilan ko ang sarili ko dahil masaya rin ako na makikita ko na ulit si lola.

8 am pa lang ay nakarating na sila tita, tito at lola. "Mama!" Patakbong lumapit si mommy kay lola.

Bukas na ang birthday ni lola kaya ngayon sila dumating para maagang makapag handa bukas.

Nagsilapitan din kami para makipagyakapan. "How are you?" Sabulong sa'kin ng mama nila Kian at Jian.

"I'm good, tita." Ngiti kong sagot.

"How's school?" Tanong niya ulit.

"Jinna, Kakarating mo lang, 'wag mong tanungin ng ganyan ang apo ko." Singit naman agad ni lola.

Natawa na lang kami ni tita. Close kami ni tita kaya normal na usapan lang namin 'to.

"I'm just asking, mama." Natatawang sabi ni tita.

"It's fine, lola. Anyway, na-miss kita, lola!" Yumakap ako sa kanya at humalik.

"Na-miss din kita, apo."

"Unfair talaga! Si Xeayah lang ba na-miss mo, lola?" Kunwaring umiiyak pa na sabi ni Kian.

Tinarayan ko naman s'ya. "Hindi ka na-miss ni lola. Ang pangit mo raw kasi."

Nagtawanan naman sila. Kinurot ako ni Kian sa braso kaya siniko ko siya.

"Aba naman. Tama na 'yan. Syempre ay na-miss ko kayong lahat. Magtino ka kayo, Kian at Zind." Natawa kami sa sinabi ni lola. Nakaduro pa ang daliri niya sa dalawa.

"Ay nako, lola! Mukhang malabo." Singit naman ni ate Feya.

"Sinisiraan niyo ako kay lola!" Lumapit naman si Kian kay lola at umakbay dito. "Lola, diba ako pinakapaborito mong apo? Kaya 'wag kang maniniwala sa kanila. Mabait ako, la!" Humalik halik pa siya sa pisngi ni lola.

Napa-iling na lang ako. "Magtino ka muna." Natatawang sabi ni lola. Ngumuso naman si Kian.

"Bitawan mo na si mama, Kian." Utos ng tatay ni Kian sa kanya.

"Tama na 'yan at baka gutom na kayo dahil sa byahe." Singit ni mommy. Wala si daddy dahil maaga ang naging pasok niya pero nangako naman siyang babalik mamayang lunch.

Nakaalalay ako kay lola dahil patungo kami sa sala para kumain. Hindi kami kakasya sa kusina kaya nagpahanda si mommy sa sala.

"Kamusta ka naman, apo?" Tanong ni lola.

"Busy po sa OJT pero maayos naman po ako lola. Kayo po ba kamusta?"

Bumuntong hininga s'ya. "Heto.. medyo kinakabahan para bukas."

Kunot-noo ko s'yang tinignan. "H-haha.. ba't naman po kayo kinakabahan? Birthday niyo naman po bukas."

Mapait siyang ngumiti. "Wala naman, apo. Nag-usap ba kayo ng mama mo tungkol sa ibang bagay?"

"Ano pong ibang bagay, lola?"

"Hindi pa ba nag ku-kwento sa'yo ang mama mo tungkol sa nakaraan niya?"

Tila nanlamig ako sa hindi ko malaman na dahilan. Pinagpapawisa ang noo at palad ko.

"A-anong nakaraan ba 'yon, lola?" Gusto kong magtanong ng agaran pero ayoko naman biglain si lola.

Matanda na siya at hindi na pwedeng binibigla. Naiintindihan ko naman 'yon. Gustong gusto ko pang magtanong ng sobra pero pinigilan ko ang sarili ko at umaasa na sasabihin ni lola 'yon sa'kin ngayon mismo.

MY MAN IS A CRIMINALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon