CHAPTER 9

83 5 5
                                    

Xeayah Martin

Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko. Hawak ko ang bag ko na naglalaman ng pang-alis na damit at sapatos. Balak kong bumalik sa mansion ng mga Pascua. Umaasa akong may malalaman ako kay Aqui ngayon.

Hindi ko na kayang antayin pa si Than. Naiinip na ako kakaantay sa kanya kaya habang wala pa s'ya ay kikilos na ako. Gusto kong malaman kung sino si TOP. Gusto kong tanungin si Aqui kung kilala n'ya ba kung sino ang totoong pumatay sa lalakeng 'yon.

Hindi naman siguro pupunta ang tatay nila Tei sa mansion nila dahil hindi naman n'ya sigurong gugustuhin na makita ng mga pulis. Hihilingan ko na lang na hindi magkita ang landas naming dalawa.

Hindi ko alam kung anong itsura ni Thomas kaya kinakabahan ako na baka makasalubong ko s'ya. Hindi ganoon kalaki ang lugar namin kaya kinakabahan ako dahil baka andyan lang s'ya sa paligid.

Nakalagay din sa bag ko ang box. Idadaan ko 'to kay Teivel bago ako magpunta kay Aqui.

Mabilis akong bumaba pero naabutan ko sila sa lamesa na kumakain. Sabay silang napatingin sa'kin. "Kumain ka na muna." Malamig na sabi ni mommy.

Hihindi pa sana ako pero sinenyasan na ako ni ate. Bumuntong hininga ako at tumabi kay ate. Inabutan n'ya ako ng pagkain at nagsimula na akong kumain.

Mabilis ang pagsubong ginawa ko kaya napukaw ko ang atensyon nila. "Ganyan mo ba kagustong makita si Than kaya nagmamadali kang kumain?" napaubo naman ako sa sinabi ni mommy kaya agad akong binigyan ng tubig ni Zia.

Napatingin naman ako kay daddy na tahimik na kumakain lang. "Kinausap ko na ang daddy mo. Sinabi ko sa kanya na kausapin ang school para ipalipat ka sa hospital," Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mommy.

"What are you saying, mom?" naguguluhan kong tanong.

"Ipapalipat ka na namin. Hindi ko gusto ang panliligaw ni Than sa'yo. Hindi s'ya nababagay sa'yo," Madiin n'yang sabi.

Inis ko naman s'yang tinignan. "No."

"What did you say?!"

"I said, no."

Hindi s'ya makapaniwalang tumitig sa'kin. Tumingin pa s'ya kay daddy na parang humihingi ng kasagutan.

"Ganyan ba ang napapala mo kakalapit kay Than?" inis na tanong ni mommy. Tahimik at kumakain lang si daddy at nakakapagtaka 'yon.

"Ano bang pinagsasabi mo, mommy?" inis ko s'yang tinignan.

"Hindi ko gusto para sa'yo si Than dahil isa s'yang kriminal. Hindi ko hahayaan na magkaroon pa kayo ng relasyon. Kaya hanggat maaga pa mas mabuting putulin mo na ang panliligaw n'ya sa'yo. Hindi ka mapapanindigan n'yan ni Than dahil hindi na s'ya makakalaya," Gusto kong sigawan ni mommy pero alam kong mali.

Nasasaktan ako para kay Teivel. Kahit na si Than ang binabanggit nila alam kong si Teivel pa rin ang tinutukoy nila. Nasasaktan ako para sa'ming dalawa.

"M-may relasyon na kami ni Te-Than.." katahimikan ang bumalot saakin pero isang malakas at masakit na sampal ang natanggap ko.

"Oh, my god! Mommy!" rinig kong sigaw ni Zia.

"Bawiin mo ang sinabi mo! Bawiin mo!" inaawat s'ya ni daddy habang nakaalalay naman sa akin si Zia.

"Ginusto namin ang relasyon namin, mommy. Please respect my decision," Nilabanan ko ang tingin n'ya.

Ako pa lang muna sa ngayon ang lalaban para sa relasyon namin ni Teivel. Wala pa s'ya sa tabi ko dahil nakakulong pa s'ya. Kaya gagawin ko ang lahat para ipaglaban sa kahit na sino ang relasyon namin. Alam kong balang araw sabay na naming ipaglalaban ang kung anong meron kami.

MY MAN IS A CRIMINALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon