CHAPTER 41

60 3 1
                                    

Maliwanag ang paligid ngunit hindi maganda ang kwarto. May kama sa gilid at mga upuan pero walang bintana. Nakahiga sa kama si Xeayah habang nakapiring ang mata pero malaya ang kanyang mga kamay at paa.

Dalawang araw na siyang naririto pero hindi pa rin siya gumigising at iyon ang akala nila. Dalawang araw nang nagtutulog-tulugan si Xeayah dahil patuloy pa rin siyang nakikiramdam sa paligid niya. Kahapon ay may nag-dala sa kanya ng makakain niya ngunit hindi siya kumilos man lang. Hindi rin siya natulog dahil natatakot sa sa paggising niya.

Maraming bumabagabag sa kanyang isipan at marami siyang tanong na gustong masagot agad. Pilit niyang inaalala ang mga nangyari sa kanya bago siya napunta rito. Nang sumakay siya ng taxi ay may kasama ang driver na sinakyan niya. Hindi niya maisip kung bakit siya nahimatay kung gayong nag-takip naman siya ng ilong pati bibig tulang nang ginawa ng mag dumukot sa kanya. At naiisip niya na imposible namang sa kanya lang pwedeng tumalab ang bagay na ini-spray sa taxi.

Patayo na sana si Xeayah nang bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto kaya agad siyang nahiga sa dati niyang pwesto upang hindi mahalata na gising na siya.

Muli siyang nakiramdam sa taong pumasok sa kwarto niya. Nakarinig siya ng tunong ng plato at alam niyang nag-patong na naman ng pagkain ang taong nasa loob ng kwarto niya.

"Hindi pa ba siya gising?" tanong ng isang babae sa kasama niyang lalaki.

'Dalawa sila...?' bulong ni Xeayah sa isip niya matapos marinig ang boses ng babae.

"Gising na ho siya kahapon pa." sagot ng isang barakong boses.

'Tangina! Alam niyang gising na ako!' sigaw ni Xeayah sa isipan niya. Hindi niya alam kung tatayo na ba siya o hindi.

"Paano mo nalaman na gising na si Xeayah?" tanong ng babae sa kasama niya.

Ngumisi ng malaki ang lalaki. "Iba ang pag-hinga niya kapag papasok ako rito upang dalhan siya ng pagkain."

kunot-noong pinagiisipan ni Xeayah kung saan niya narinig ang boses ng lalaki. Hindi niya mawari kung kaninong boses yon at kung saan niya ito narinig. Pero sigurado siyang narinig niya na ito at hindi niya kilala ang boses ng babae.

Bumuntong hininga naman ang babae. "Kung ganun ay kailangan na natin siyang makausap dahil kakaonti lang ang ating oras."

Wala ng narinig na boses si Xeayah pero nakarinig siya ng pag-sara ng pinto. Tumayo agad siya at inalis ang piring sa mata. Kinusot niya ang kanyang mga mata at lumantad sa kanya ang lalaking nasa itim. Mula ulo hanggang paa ay naka-itim ang lalaki. May mask ang mukha kung kayat hindi niya ito makita.

"Finish your food so we can talk." Panimula ng lalaking naka-itim.

"What do you want from me? Money? I can give you the money. All you need to do is to call my da—"

"I am richer than you, Xeayah." Ngising sabi ng lalaki ngunit hindi ito nakita ni Xeayah dahil sa naka-mask ito.

"Then, what do you want?" pinipilit ni Xeayah na hindi sumigaw dahil sa takot sa kung anong gagawin sa kanya ng lalaking naka-itim.

"Talk. Finish your food so we can talk now. Bilisan mo, Xeayah. Konting oras lang ang mayroon kami." Hindi niya na inantay ang sasabihin ni Xeayah at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto.

Tulalang nakatingin si Xeayah sa pintong nilabasan ng lalaking naka-itim. Palit niyang inaalala kung saan niya narinig ang boses ng lalaking naka-itim dahil sigurado siyang narinig niya na ito.

'Bagalan ko kaya kumain para maubos ang oras nila?' natatawang sabi ni Xeayah sa sarili. 'Usap lang ang gusto nila..? Paano ako makakasigurong usap lang ang gusto nila at wala ng iba?' halos maiyak na tanong niya sa sarili.

MY MAN IS A CRIMINALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon