CHAPTER 17

73 6 3
                                    

Naguguluhan man sa mga sinabi ni mommy kanina ay pinilit kong matulog. Maaga kaming nagising kanina kaya inaantok pa ako.

Inihatid naman nila mommy ang mga pinsan namin sa kanilang kwarto.

Ako lang ang natulog dahil hindi naman daw inaantok sina Zind at Zia.

Nakatulog naman ako ng dalawang oras. Sapat na 'yon para bumalik ang sigla ko.

Bumaba ako sa sala at naabutan ko ang mga pinsan kong mas matanda sa'kin na may trabaho na, na nag kakape.

"Upo ka, Xeayah." Sabi ni ate Feya. Tumango naman ako at tumabi kay Zind.

Napansin ko rin na wala si Zia kaya nag tanong ako. "Si ate asan?"

"Nasa kwarto ng mommy mo. Nagpapahilot." Sagot ni ate Feya.

"I see."

Inabutan ako ni Zind ng kape kaya agad ko naman iyong tinanggap. Tinikman ko 'yon at sakto naman sa panlasa ko.

Kadalasan talaga ay ako ang nagtitimpla ng kape ko dahil alam ko kung paano ang gusto kong lasa.

"Ano nga ang course mo, Xea?" Tanong ni ate Feya.

Tinanggap ko muna ang caramel cake na inabot ni Zind sa'kin bago ako sumagot. "BS Psychology. Graduating na."

"Ah, sa mga baliw." Seryoso n'yang sabi.

Hindi naman ako sumagot. Nanatili lamang akong kumain. "Balak mo bang mag doctor?" Tanong ni ate Feya.

"Matagal bago maging doktor dito sa pilipinas. Mauubos ang panahon ko bago ako maging isang ganap na doktor. Masaya na ako sa pagiging psychologist."

"Dapat ay nag doctor ka na lang. Mababa ang sahod d'yan sa course mo. Maging praktikal ka, Xeayah. Kung hindi doctor ay ibang kurso tulad ng business. Makakatulong ka pa kina tita at tito."  Nginisian n'ya ako.

Ngumisi ako at umiling. "Sapat na si Zia para sa negosyon nila mommy. Aanhin ko ang mga kursong 'yan kung hindi ko naman gusto? Hindi ba't mas magiging madali ang isang bagay kung gusto mo iyon? May nabasa ako na mas nagiging aktibo ang isang tao kung gusto n'ya ang kanyang ginagawa."

"Maliit ang sahod d'yan." Hindi n'ya pinansin ang sinabi ko. King ina ang haba ng sinabi ko tapos di mo papansinin.

"Private ang mental hospital na papasukan ko kaya mataas ang sahod do'n. Kung sahod ang iniisip mo ay walang problema do'n. Ang gusto ko ay makatulong sa mga tao. Hindi ako nag psych para sa pera."

Umiling iling naman s'ya.

"'Wag mo na s'yang pakialaman, Feya. Buhay n'ya 'yan kaya s'ya ang masusunod. And she's right. Zia is enough to handle their business." Singit ni Zind.

Nakikinig naman ang iba naming pinsan. Nagkaroon ng tensyon sa pagitan namin pero hindi ko na iyon pinansin.

Isa s'ya sa naghahandle ng business nila. Malaki ang kinikita n'ya kaya gusto n'yang malaki rin ang kitain ko.

"I'm just saying na sayang ang panahon."

"Stop it. Kung kelan graduating na s'ya tska ka makikialam. Mind your own business, Feya. She's your cousin, you should support her dreams." Seryosong sabi ni Zind.

"Whatever, Zind."

Umirap naman s'ya. Ganyan talaga s'ya kahit sa iba pa naming pinsan. Concern s'ya sa lahat ng bagay na ginagawa namin.

Hindi ko na lang pinansin. Ayokong mag sayang ng laway.

Nagkwentuhan sila ng ibang topic kaya naman inubos ko na lang ang cake at kape na nasa harapan ko.

MY MAN IS A CRIMINALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon