CHAPTER 49

68 1 1
                                    

Trigger Warning: Sexual Harassment, Attempted rape, and Drugs.

>>>>

"W-What's happening?" W-Why are you here? I-I don't understand.." napasabunot si Than sa buhok niya.

Walang imik na nakikinig lang ang iba. Nakatayo si Emilie sa harapan nilang lahat. May mga maliliit siyang sugat kamukha hanggang binti. Lumuluha ang mga mata niya at sabik na sabik siyang yakapin ang kambal niya pero hindi siya makagalaw sa kinakatayuan niya.

"H-Help me." Saad niya.

Pasugod na sana ang kambal pero nagulat sila ng mauna si Asher papalapit kay Emilie. "Where's Xeayah?" bulong na tanong ni Asher kay Emilie.

Hindi na pigilan ni Emilie ang mga luha. Mapaluhod siya at agad naman siyang inalalayan ni Asher. "What happened?" muling tanong ni Asher.

Paulit-ulit na umiling si Emilie. "Where is she?!" Hindi na napigilan ni Asher na taasan ang boses niya.

"Don't shout at my mother!" sigaw ni Than.

Hindi siya pinansin ni Asher. Pinaupo ni Asher si Emilie sa upuan na inupuan nila kanina habang kumakain. Agad na sumunod ang lahat lalo na ang kambal.

"T-They took h-her.." nahihirapang sabi ni Emilie.

Tila natauhan si Teivel sa sinabi ng nanay. Alam niyang si Xeayah ang tinutukoy ni Emilie. "Where is she?" tanong ni Teivel.

"M-Magkasama kami... papunta dito. M-May humarang sa a-amin." Gustuhin man nilang patigilin si Emilie dahil naawa sila dahil nahihirapan itong magsalita pero kailangan nilang malaman kung anong sinasabi niya.

"I told you na aantayin ko na lang kayo.." mahinang sabi ni Asher na tila nawawala na rin sa sarili.

"I know... I-I'm sorry... H-Hindi ako nagiisip..."

"Bakit magkasama kayo kanina?" nalilitong tanong ni Than.

Hindi siya nilingon ni Asher pero Nilingon siya Emilie. "M-Mga anak.."

Hindi napigilan ng kambal na tumulo ang mga luha nila. Walang salitang niyakap nang sabay ang ina. Nadala ang iba dahil napuno ng iyakan ang pamilya.

"M-Mama... I thought you're d-dead." Hikbing sabi ni Than.

"My first born.." hinalikan ni Emilie ang noo ni Than.

"My bunso." Sunod naman si Teivel.

"M-Mama.."

Napaiwas ng tingin sina Zia ng tawagin ni Teivel si Emilie. Ngayon lang nila narinig na umiyak si Teivel. Ngayon lang nila narinig na nanghihina ang boses niya. Ngayon lang nila nakitang bibigay si Teivel.

"B-Bakit ngayon ka lang...?" halos sabay na tanong ng kambal.

Ngumiti ng mapait si Emilie at nilingon si Asher. Walang imik si Asher sa gilid nila. "T-Thomas tortured me and I almost died." Kumuyom ang mga kamao nila.

"A-Asher saved me.." Dagdag niya.

"B-Bakit hindi mo sinabi sa amin?" may inis na tanong ni Teivel.

"She asked me not to tell to all of you." Sagot ni Asher.

"Still!" sigaw ni Teivel.

"A-Anak, I begged him not to tell to all of you.." singit ni Emilie.

"B-But.. why?"

"K-Kapag nalaman ni Thomas na b-buhay ako... mas mahihirapan tayo.."

"A-Ang hirap ng wala kasama, Mama.. Paano mo nakayanan na hindi kami kumustahin man lang?"

MY MAN IS A CRIMINALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon