CHAPTER 45

51 2 0
                                    

Zia Kate Martin

"Maghiwalay tayo. Dito na ako tapos do'n kayo para mabilis." Utos ni Zind sa amin. Simula nang dumating sila Thomas sa bahay nag si uwian din ang pamilya namin dahil hindi nila kinaya kung anong pinsasabi ni mommy. Nagpaiwan si Kian dito sa amin. Halatang walang balak na magpasko sila lola dito sa amin dahil sa nangyaring usapan noong nakaraan.

Bumuntong hininga ako at sumunod kay Kian. "Sa presinto ba tayo mag papasko?" hindi ko alam kung nakailang ulit na siyang nag tanong ng ganyan.

"Gusto mo na bang makulong?" inis kong tanong sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Tanga! Anong gustong makulong? Gusto ko nga makausap 'yung boyfriend ni Xeayah!" napailing na lang ako.

"Crush mo ba 'yon?"

"Mukha ba akong bakla?"

Nagkibit-balikat na lang ako. "W-Wala pa rin bang balita kay Xeayah?" mahinang tanong ni Kian.

Nang sabihin namin na umalis si Xeayah ay nagpanggap pala ang gagong to na naniniwala siya. Hanggang sa kinulit niya kami ni Zind. Wala kaming nagawa kundi ang sabihin sa kanya lahat simula sa simula. Ayoko namang magkagulo tapos siya nakatunganga lang dahil wala siyang idea sa mga nangyayari.

"Sasabihan daw tayo ni daddy kung may balita na kay Xeayah. Sa ngayon, mag dasal na lang muna tayo."

"Sana makita na siya bago mag pasko."

Kami na ang nag kusang bumili ng mga kailangan para sa pasko dahil busy ang lahat. Maraming iniisip sila daddy kaya sabi ko kina Zind na kami na lang bumili ng mga lulututin, tutal kami naman ang mag luluto.

Bumuntong hininga ako ng maalala ko si mommy. Excited pa kami dati mag grocery dahil inuutusan na kami ni mommy one week before ng Pasko. Pero ngayon...

"Ang onti naman ng karne niyo." Sinamaan ko si Zind dahil bigla bigla na lang sumusulpot.

"Sabi ko sa 'yo eh!" sigaw ni Kian sa akin.

"Hoy! Ikaw nag lalagay ng karne, tigilan mo 'ko!" inirapan ko siya.

"Dagdagan niyo pa 'yan. Maraming tao sa presinto, baka kulangin tayo." Tumango na lang si Kian kay Zind.

Kumuha ng maraming karne si Kian at hindi na tinitignan kung magkano. Napailing na lang ako. "Alam mo ba kung anong karne kinukuha mo? Kuha ka nang kuha." Inirapan ko siya.

"Malamang alam ko! Kuha lang nang kuha, Zia." Nginisian niya ako.

Tulak tulak namin ang limang grocery cart. Isa ang tulak tulak ko at tig-dalawa naman sila Zind at Kian. Medyo mahaba ang pila dahil papalapit na rin ang pasko kaya maraming tao ngayon sa grocery store.

"Pasabay." Napatingala ako sa lalaking sumingit.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bawal sumigit."

"Mukha kang singit." Sinamaan ng tingin ni Than si Kian.

"Pasalamat ka pinsan ka ni Xeayah." Bulong ni Than pero rinig namin.

"Bulong bulong pa, rinig naman." Bulong din ni Kian.

Napa-iling na lang ako.

"Ano bang ginagawa niyo rito?" tanong ko sa kanilang dalawa ni Asher.

"Namimili malamang." Tinarayan ako ng gago!

"Wow, isang pirasong chichirya? Naghihirap ka na ba, bata?" ngising tanong ni Zind.

"Tigilan mo ako, Tanda. Baka bilhan pa kita ng mansion." Sagot naman niya.

MY MAN IS A CRIMINALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon