CHAPTER 28

64 4 12
                                    

"Clear." Pagsabi ni Asher ay agad kaming pumasok ni Than sa loob. Suot-suot namin ang itim na mask at itim na jacket.

Tulad nang napagkasunduan namin pupunta kami ngayon sa dating mansyon ng mga Pascua. Malamang ay hindi na rito titira muli si Thomas dahil madali siyang matutunton ng mga pulis.

"Walk faster, Xeayah!" Tumango ako at dali-dali akong sumunod sa kanya.

Nasa loob na si Asher habang kami ay papasok pa lang. Sa likod kami dumaan para daw safe.

Sa kwarto nila Teivel at Than kami ngayon patungo.

Hindi ko na magawang pagmasdan ang dating bahay ng mga Pascua dahil wala na rin kaming oras.

Napag-alaman ni Than na dumadalaw pa rin ang mga tauhan ni Thomas dito. Nakatira ngayon si Than kay Thomas kaya alam ni Than kung anong ganap ni Thomas at ng mga tauhan niya.

Kinakabahan man ako para kay Than dahil baka mahuli siya ng tatay niya pero sinigurado niya naman na hindi siya mapapahamak.

"Asher?" Bulong ni Than.

"Pasok na." Sagot ni Asher

Pinihit ni Than ang doorknob ng kwarto nila. Sumulpot naman si Asher at sinenyasan kaming pumasok.

Madilim ang kwarto pero may ilaw kami galing labas kaya nakikita pa rin namin. Pinagmasdan ko ang kwarto nila Than at Teivel.

May dalawang kamang malaki at may napakagandang painting sa dingding. Malalaki ang aparador at makikintab ang ibang gamit.

Napatingin ako kay Than. Hindi ko man makita ang mukha niya alam kong nalulungkot siya. Pinagmamasdan niya rin tulad ko ang kwarto nila ng kakambal niya.

"Mag hanap na tayo." Tapik ko sa balikat ni Than.

Tumango naman siya at kumilos na. Nilibot ko ang mata ko hanggang sa nag tungo ako sa aparador nila.

Binuksan ko ito at maayos at parang hindi nagalaw ang damitan nila. Hindi ko lang alam kung kaninong aparador ito.

Inamoy ko ang damit na galing sa aparador. Teivel..

"Kay Teivel 'yang aparador." Mahinang sabi ni Than.

Tumango na lang ako. Hinalughog ko ang damitan niya dahil umaasa akong may mahahanap ako pero wala.

Nanghihina man ay hindi ako nawalan ng pag-asa.

"Pupunta ako sa kwarto ni papa. Dito muna kayo." Walang nagsalita kaya lumabas na si Than.

Naiilang na sinilip ko kung anong ginagawa ni Asher. Nakatalikod siya sakin at nakaharap sa malaking bintana ng kwarto. Nakapamulsa at bumubuntong hininga.

"Don't stare at me." Nanlaki ang mata ko at parang hindi ako makahakbang.

Hindi ako sumagot sa kanya. Nag patuloy ako sa pag hahanap sa kwarto nila Than at Teivel.

"Anong balita sa daddy mo?" Napatingin ako sa kanya.

Hindi nagbago ang posisyon niya. "Sa fingerprint ba?"

"Hmm."

"Hindi ko pa nakakausap si daddy. Busy siya kaya hindi kami masyadong nagkikita sa bahay." Hindi ko alam kung anong kinaka-busy ni daddy ngayon. Baka tinututukan niya ang kaso ni Thomas.

"Bilisan mo ang kilos, Xeayah. Kumikilos na rin sila Thomas. Hindi ko alam kung hanggang saan at kailan ka namin kayang protektahan ni Than. Buti sana kung andito si Teivel."

Tinigil ko ang ginagawa ko at umupo ako sa kama malapit sa kinatatayuan ni Asher.

"What do you mean?"

MY MAN IS A CRIMINALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon