CHAPTER 6

118 8 7
                                    

Gumising ako ng masaya. Ang ganda ng pakiramdam ko ngayon. Hindi ko mapigilang kiligin.

Ilang linggo na akong nililigawan ni Than. Lahat ng gusto kong gawin sa akin ng isang lalake ay ginagawa niya kahit hindi ko sabihin.

Parang alam niya lahat ng kiliti ko.

Sobrang saya ko kapag gigising ako sa umaga dahil alam kong magkikita na naman kami.

Mabilis ang mga pangyayare pero alam ko sa sarili ko na mahal ko na s'ya at gano'n din naman s'ya sa'kin.

"Napapansin 'kong maganda lagi ang gising mo," Mataray na sabi ni Zia.

"Oo. Kaya 'wag mong papangitin."

"Psh! Kwento naman d'yan," Umupo s'ya sa tabi ko. Andito pa kami sa kwarto ko dahil kagigising ko lang.

Napatingin ako sa orasan at maaga pa naman kaya makikipagkwentuhan muna ako sa kanya.

Hindi ko pa nasasabi na nililigawan na ako ni Than. Hindi ko rin alam kung paano sasabihin dahil kinakabahan ako.

"HOY! Ano na??" sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Kalma ha!"

"Ang bagal naman kasi! Ano na ngaaaa?!"

Hindi ako sumagot dahil nag-iisip ako kung sasabihin ko ba sa kanya.

"Don't worry hindi ko naman sasabihin kina mommy," Nag promise pa siya. Nag buntong hininga ako.

"T-than is courting me," Mahina kong sabi habang nakayuko.

Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya kaya napatingin ako sa kanya.

Walang emosyon ang mukha niya. "Why?" I ask.

"Why is he courting you?" seryosong tanong niya.

"Bakit ba nanliligaw ang isang lalake? Of course he likes me," Mataray kong sabi ngunit seryoso.

"Do you like him too?"

"Yes," mabilis kong sagot.

Bumuntong hininga naman s'ya. "Ayaw mo ba?" I ask.

"N-no... it's not like that.."

"Then why? Bakit ka nagkakaganyan?"

Mas lalo siyang sumeryoso saakin. "Wala ako sa posisyon magsabi nito pero dahil kapatid kita.. concern ako sa'yo."

"What is it?" nauubusang pasensyang tanong ko.

"Nililigawan ka ba niya dahil gusto ka niya O nililigawan ka niya dahil kailangan ka niya?" hindi ko alam kung bakit pero nabahala ako sa sinabi niya.

"Hindi kita maintindihan.."

"Kanina nagku-kwentuhan kami nila daddy at mommy sa baba. Napansin kasi ni mommy na balisa si daddy nitong mga nakaraang araw.. guess what."

Tumaas ang kilay ko. "Sabihin mo na dahil hindi ako manghuhula."

"May nakapag report kay daddy na bumalik na ang pamilya niyan ni Than."

Literal na nanlaki ang mata ko. "A-anong kinalaman niyan sa akin"

"Stupid! Malay mo gamitin ka niyan ni than para kumbinsihin ang daddy na wag idamay ang pamilya niya! Ang alam ko pa naman ay pati pamilya ni Than ay ikukulong!" Sigaw niya sa'kin.

'Pero galit s'ya sa pamilya niya diba? Gusto pa nga niyang maghiganti sa tatay niya.. so bakit niya ako gagamitin para kumbinsihin si daddy na wag ikulong ang pamilya niya?'

Sa pagkakaalam ko ay hindi gugustuhin ni than na makulong ang tatay niya dahil gusto niyang s'ya mismo ang gumanti sa tatay niya.

"Galit si than sa pamilya niya," Pagtatangol ko.

MY MAN IS A CRIMINALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon