CHAPTER 16

69 3 1
                                    

Nakauwi kami bago mag lunch kaya agad na tinulungan namin si mommy para makapagluto. Marami-rami din ang lulutuin kaya tumulong na kami.

Wala pa si daddy kaya malamang na mamayang lunch pa ang balik n'ya para makasabay kaming kumain.

Marunong din magluto si Zind kaya makakatulong talaga s'ya sa'min.

"Mommy nag crave ang sa sisig kaya nagdagdag ako." Sabi ko kay mommy habang naghihiwa ng mga gulay.

Si mommy talaga mismo ang nagluluto, bale kaming tatlo ang inuutusan n'ya sa paghihiwa at kung ano-ano pang kailangan n'ya.

"Mag iinuman daw kayo diba?"

"Opo, mamayang gabi."

"Gawin n'yo ng pulutan ang sisig mamaya at may natira pang karne dito gawing liempo para sa inuman n'yo." Gusto ko pa sanang makain 'yong sisig dahil masarap 'yon sa kanin pero hindi na bale.

"Sige po."

Iniabot na namin kay mommy lahat ng kailangan n'ya. Tinulungan na rin namin s'yang maghalo para mapa-bilis kami.

"Tikman mo nga ito." Sabi ni Zia.

Agad ko naman itong hinipan at tinikman. Tumango tango naman ako. "Sarap." Ngiting sabi ko.

"Taga kain at tikim ka lang talaga no?" Asar ni Zind. Umirap naman ako. "Excuse me! Marunong na akong magluto."

Natawa naman silang tatlo. "Talaga lang, ha."

"Oo! Dontcha worry! Lulutuan kita next time. May kasama nga lang lason." Kinurot naman n'ya ang pisnge ko at hinampas ko naman s'ya.

Naisip ko bigla na ipagluto si Teivel. Kaso kinakabahan ako dahil baka hindi n'ya magustuhan. Hindi ko rin pala alam kung anong paborito n'yang pagkain.

Hindi bale, basta lulutuan ko s'ya!

"Ako na ang bahala rito. Maligo na kayo at mag ayos. Paparating na siguro sila." Sabi naman ni mommy.

Sa salang cr na muna maliligo si Zind. Ako naman sa kwarto ko at si Zia sa kwarto n'ya.

Nauna na akong umakyat sa kwarto. Mabilis lang ang naging ligo ko dahil nakaligo naman na ako kanina.

Pag tapos maligo ay agad akong naghanap ng dress na sky blue at heels na hindi gaano kataas. 

Naexcite ako ng makarinig ako ng ingay sa baba. Nag liptint lang ako at agad ng bumaba.

Naabutan ko silang nagyayakapan na. Mabilis naman akong lumapit.

"Xeayah! Grabe walang kupas! Ang ganda pa rin!" Natawa naman ako sa sinabi ni Kian.

"Ikaw! Bolero ka pa rin talaga!" Niyakap ko naman s'ya agad.

"Nag bago na ako, boy!" Natatawa n'yang sabi.

Nakipagyakapan din ako sa iba kong pinsan. Malalaki ang ngiti namin dahil halos isa hanggang tatlong beses lang kami kung mag kita sa isang taon.

"Halika na kayo! Nakapaghanda na kami ng pagkain." Sigaw naman ni mommy sa'min. Halos 12 kaming mag pipinsan na andito ngayon. Hindi pa kasali ang mga nasa ibang bansa. Ang iba ay mga kambal pa.

Kung ako ang magkakaanak ay gusto ko talaga ng kambal. Mabuti na lang at may lahi kaming kambal.

Nagsilapitan naman kaming lahat sa malaking lamesa. Tumabi sa'kin si Zia at Zind. Katabi naman ni Zind si Kian at iba pa naming mga pinsan.

"Let's pray, kids!" Sabi ni mommy.

Tumayo kaming lahat at yumuko habang nagdarasal si mommy.

"AMEN!" Sabay sabay naming sabi.

MY MAN IS A CRIMINALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon