4. Insertion

4.5K 108 21
                                    

Chapter 4 - Insertion

Nang makapasok ako sa powder room ay nandoon na nga ang damit na isusuot ko na hinanda ni Plinth sa akin. I couldn't believe I'm doing this in my life. Mali yata ang pinasukan kong kontrata dahil hindi ko alam ang mangyayari sa akin sa loob ng dalawang buwan sa bahay na ito. Tapos ang weird pa ng kasama ko tapos may AI pang laging nakabantay sa bawat galaw ko.

Hay Johanna, ano kayang mangyayari sayo dito?

Sinuot ko na ang damit na kapareho din naman ng damit na sinuot ko kahapon. Para kasi siyang uniform tapos may nakasulat na Subject Five sa may chest part ng damit and color gray siya. Weird but sige, wala akong choice kundi isuot na lang ito.

But another thing is weird din ang tingin at titig niya sa akin kanina na hindi ko maalis sa isip ko. His gray eyes scanned my body from up and down and he got a very intimidating look at me. Hindi ko mawala sa isip ko ang magaganda niyang mata at ang seryoso niyang mukha lalo na kapag tinitignan at tinititigan niya ako.

After I get dressed, lumabas na ako ulit at pumunta sa living room kung saan doon din ako natutulog at nagsstay. Ayos no? Pumirma ako sa kontrata pero wala man lang akong sariling kwarto dito. Nakita ko siyang nakabihis na din at naghihintay sa akin. He's wearing a formal polo and a formal pants too habang nakapangalumbabang hinihintay ako.

"Let's go." He said and stood up. Naglakad na siya papunta sa main door. Nakasunod na lang ako habang tinitignan ang likod niya. He got a sexy back.

"One more thing," nabigla ako kasi bigla siyang humarap sa akin at tumigil sa kalalakad. "One more thing, Johanna... Let's keep this as secret to my sister. You're not allowed to go outside but this time, I'm taking you out. Hindi ko alam sizes ng damit mo so once we got there, but anything you want. I'll give you and hour for that. Understand?"

He said like he's explaining. I know and nabasa ko nga din sa contract na bawal lumabas ang Subject sa loob ng bahay niya because this project is secret.

"Yeah, but you're breaking the contract rule." I say.

He just smirked at me. "Seriously? Ayaw mo pa, makakalabas ka."

"Hindi ba labag 'yon?"

"Wala ka pang insertion na naganap so hindi ka pa matatract ni Plinth. That's all right. Trust me." He smiled and winked at me.

May parang kumarera naman sa puso ko at tumibok ng mabilis. Hindi ko na lang ito pinansin at sumunod na lang sa kanya nang maglakad na siya ulit.

He uses his hand unlocking the main door, nagbukas ito at may kotse nang naghihintay sa labas. Nauna niya akong pinasakay sa likod at sumunod siya.

Who's driving this car?

"Cortana, mall please. Drive carefully." He speaks.

Oo nga pala may AI driver din siya.

"Okay, Alejus." The computer voice speaks and surrounds the car.

"And activate no outside view mode."

"Copy that, Alejus. Activating no outside view."

Nagsara ng bintana ang kotse mag-isa. Sarado na nga ang bintana pero may sumara pa na maitim, blocking the outside view. Bumuntong-hininga na lang ako kasi feel ko parang mahihilo ako sa byahe na walang makikita sa labas. Maybe ayaw niya na akong lagyan ng blindfold kaya pinasara niya na lang ang kotse niya sa ganitong paraan.

The car started to drive in its own taking us to the mall. I can't see what is our way dahil nga tinakpan niya so it's very awkward here and he's sitting right beside me.

His Billion Dollar Contract {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon