Chapter 1: School starts

148 4 1
                                    

Michelle's POV

"Mich! Gumising ka na! First day of school ganyan ka? Malalate agad? Dalian mo na gumising ka na!" hays mga nanay talaga.

Hi. I'm Mich, Michelle Charlene S. Grande. 3rd child in the family. May kaya naman kame. Ako yung tipo ng babaeng mahiyain sa una. Yaa. Di naman masyadong maarte. Matalino. Cute. Maliit at masipag. 3rd year high school na ako. Transferee ako bat kase kailangan ilipat eh. First day of school nako naman.

"Oo na. Eto naa. Ingay eh." masyado naman kasing nagmamadali. Ligo, ayos, kain at bihis ayun ang ginawa ko. Kasabay ko si Beth eh sa kasamaang palad hays di kame magkasection kainis nga eh.

"Ma, alis na ko. Kasabay ko pala si Beth" tamad na paalam ko kay mama

"Osige. Ingat kayo." at nagpaalam na din ako kay mama. Nakakatamad maglakad pero okay na din kase first day. Kinakabahan ako. Shy type ako eh hahaha.

"Beth!" ay. Napalakas ata sigaw ko. Kahihiyan naman oh.

"Hi Mich! Excited pumasok te? Hahaha" kase naman. Oh, meet Beth, Bethany Chesca M. Reyes. Kababata ko siya. Not really kababata pero since gr. 1-3 magkaklase kame at naging classmate ulit kame nung 1st year hanggang ngayon. Makulit. Di nauubusan ng kwento. Mataray sa iba. Matalino. Maganda. Mabait at masipag. Besties for life ko siya!

"Uy tara na! Iniisip mo diyan?" ay natulala ata ako ng matagal.

"Ah ano. Kase mamaya syempre" habang papasok kame nagkkwentuhan.

"Ah. Oo nga eh. Kase naman! Pinagiba pa tayo ng section. Nakakainis."

"I feel you. Hays." at yun. Natigil yung paguusap namin dun. Medyo matagal tagal din ang paglalakad namin. Hanggang sa nakarating na siya sa floor ng room niya. Ako kase 2 floors pa.

"Sige Mich, see you later." nagwave na at nagpaalam ganun din naman yung ginawa ko. 1 floor na lang eto na talaga. 4 floors kase tong school namen. Eh may canteen so bale 5 floors.

Eto na sa wakas. Nakarating den. Ang ingay nila. Pagkapasok na pagkapasok ko nagtinginan lahat sila saken. Huwaw? Masyado ba kong maganda? Kinabahan ako nakakatakot tingin nila tapos nagbulungan pa. Hanep. Nakaupo na din naman ako. Usual na ginagawa ng transferees eh magpakilala. After nun nagexam tungkol sa natutunan dati.

And there. Ganun natapos ang first day of school ko. Nagkita na kame ni Beth. Dami ding kwento. Wala pa naman ako masyadong friends isa pa lang. Pero masaya naman.

*

Pangalawang araw sa school. Ganun pa din naman ginagawa namin eh. Exams exams di pa normal yung schedule namen.

Wala pa nga din akong kilala eh. Lahat sila ang dadaldal. Sino kaya kakausap saken dito?

"Transferee." ako kaya tinatawag nun?

"Babaeng nakatalikod sa harap." tinignan ko yung ka linya ko ako lang yung babae so humarap ako sa kanya.

"Ah. Baket?" ano kaya kailangan neto?

"Pengeng papel." ay huwaw? Ano ko nbs?

"Kasisimula pa lang ng pasukan wala kang papel?" ano ba kasing trip neto?

"Angas mo ah. Bigyan mo na lang kaya ako. Kabago bago mo ganyan ka umasta." tinignan niya ko ng masama. Nakakatakot. So binigyan ko na lang siya ng papel. Di pa din nakuntento at nagsalita "By the way, I'm Manuel."

"I'm not asking for your name" pabulon kong sinabi pero mukan narinig niya.

"What? Ano sabi mo?" yes di niya naintindihan.

"I said I'm Mich, nice to meet you." then he smiled. Gosh. Ampogi niya pala lalo na pagnagsmile. Sana lagi siyang ganun.

Then the bell rang. Lunch na! Lahat sila nagsitakbuhan sa labas. Ako nanatili sa loob at kumakain sa upuan ko. May naramdaman akong lumapit saken.

"Sorry for being rude a while ago." then tiningala ko na siya. Si Manuel.

"Ha? Ah okay lang yun. Sorry den sa pagsagot ko." the I smiled and he smiled back. Ampogi talaga!

"Let me introduce my self to you again." umupo siya sa tabi ko "I'm Manuel Greyson A. Yu. For short Manuel." then inabot niya yung kamay niya.

"I'm Michelle Charlene S. Grande. Mich for short." inabot ko din yung kamay ko and we shaked hands.

"Nice meeting you. Masaya dito. May isang lalaki nga lang na transferee den siya. We still don't know him so ingat ka sa kanya" then iniwan niya na ko. Di ko naman alam kung sino yun. Pero ampogi pa din ni Manuel.

Natapos na ang lunch. Busy sila sa ginagawa nila. Ewan ko kung ano yun. Basta bigla lang tumahimik an kaninang maingay na classroom.

"Panget." ay bastos. Makapanget naman? Tinignan ko lahat naman sila nakaupo at may ginagawa. Tinignan ko sa likod ko wala naman. Hinayaan ko na lang.

"Panget." isa pa talaga. "Panget na nga bingi pa" ah kapikon to ah.

"Ano ba? Mamimikon ka ba talaga?" at pagtingin ko sa likod bigla na lang akong kinabahan. Natakot ako. M-mukang. Argh.

"Pano pag sinabi kong oo? May magagawa ka?" di na ko nakapagsalita dahil sa kaba ko. Ewan ko kung bat ko naramdaman to. Tinalikuran ko na lang siya at bumalik sa ginagawa.

"Good girl. Wala ka din palang mapapala eh sumasagot sagot ka pa." eto ata yung sinasabi ni Manuel na transferee den. Feeling boss siya ah. Masyado. Pero nakakatakot. Hirap makabanggaan.

Nasira araw ko dun sa lalaking yon. I think bully siya. Natatakot ako sa kanya. Tinago ko lang kay Beth. Still ayoko eh. Pano kaya to? Babayaan ko na lang una pa lang naman yun baka sakaling tigilan niya. ~

*end of part 1*

Nothing Lasts ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon