Went Upside Down (5)

9 0 0
                                    

After what happened, naging mas maayos ang pagtingin ni Corinth kay Caleb. Ngayon nya lang narealize na mabait pala talaga si Caleb. Nung una Binigay ni Caleb yung food nya sa kanya kahit parehas pa silang hindi nakapag breakfast at ngayon eto naman. Kung minsan makulit at masungit hindi lang pala minsan, palaging masungit eh may concern din pala sa mundong ginagalawan nya. She admired him after that. Hindi nya alam kung anong klaseng pag aadmire ang nararamdaman nya pero basta ang alam nya she admires Caleb kasi he had the guts to protect her dun sa mga grupo ng girls na umaayaw sa kannya. Meron tuloy syang naalala na taong ganun din.

Yan ang mga bagay na naiisip ni Corinth, oo nga pala kasama nya pa rin si Caleb naglalakad pa rin papunta sa building nila. She can't help but smile, ngiting wagas ika nga. Parang yung dimples nya lumipat na sa batok nya habang nakangiti habang naglalakad silang dalawa. Dumaan naman si Melmar at nakita ang dalawa

"Oh hey guys! Papunta na kayo sa classroom?" tanong ni MM

"Sort of yeah :)" sagot ni Caleb

"Di yata kayo nagaaway ngayon?" tanong ulit ni MM ang dami naman nyang tanong

"Di masyado" tumawa naman si Caleb "Sige una ka na susunod na lang kami"

"Sige Bro! See you later!" pagpapaalam ni MM

"Sure!" sagot ni Caleb

"Hoy baka mamaya may crush ka na sakin sabihin mo lang sasagutin kita agad" sabi ni Caleb, breaking the noise of thoughts sa utak ni Corinth kasi nagsnap bigla si Caleb at nakatodo ngiti pa

"Ako? Magkakacrush sa'yo? Huh impossible! Sa ganda kong ito? Naku naku Caleb ASA! May class yata ito!" sabi ni Corinth habang nakaturo sa mukha nya

"So anong tingin mo sakin walang class?" 

"Hindi"

"So ano ako?" nilapit ni Caleb yung mukha nya kay Corinth, parang two inches away na lang sa mukha ni Corinth

"Hmm, I don't know" tapos umatras si Corinth "Si Caleb na para bang..hmmm" tapos nilagay ni Corinth yung kamay nya sa chin nya yung parang nagiisip at nakatingin pa sa itaas  "yung parang laging MERON!!!!" then tumakbo si Corinth papalayo kasi alam nya na maiinis si Caleb.

"Shey! Hoy! Oh no she didn't! Habulan pala ha? A race you're asking? Then a race you're gonna get!" 

then tumakbo si Caleb na hinahabol si Corinth

"Sheeeeey! Nandyan na ako! Naku magpahuli ka na kung hindi, kung hindi NAKUUU!"

"Kung hindi ano?" sabi ni Corinth, ayun natakbo pa rin naman sya

"Kung hindi sasabihin ko kay Arkin na may crush ka sa kanya!"

Napatigil naman si Corinth nun, paano nalaman ni Caleb?!

"Teka..teka..Alam mo? PAANO MO NALAMAN YON?! Si Bailey no?! Yung lukaret na yun talaga!" sabi ni Corinth habang hawak nya yung ulo nya habang umiikot na windang na windang

"HAAAAAAAAAAAA?!  So may crush ka nga talaga kay Arkin?!!" sabi ni Caleb na nagulat rin naman pero tonong nakakaloko, yung tipong nang aasar

"Teka hindi mo alam? Paano mo nasabi?!"

"Wala lang! Yun lang ang unang pumasok sa utak ko eh para lang mapatigil ka..di ko alam na totoo pala Uyiiiieee! Ikaw ha umamin ka na! Crush mo pala si Arkin? ARKIN! ARKIN!"  

"Went Upside Down"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon