Went Upside Down (10)

5 0 0
                                    

CORINTH'S P.O.V.

“Caleb ano ba?! Huy! Siraulo ka ba? akin na yung phone ko!” sinabi ko kay Caleb habang inaabot ko yung cellphone ko mula sa tenga nya. Ang hirap ha! Ang tangkad nya kaya!

“Ay opo ate, pwede po ba?”tapos tinggal nya yung cellphone sa tenga nya tapos tinakpan at bumulong ng “Corinth! Can’t you see I’m busy?!” tapos bumalik ulit sa phone. “Ay talaga po ate? Yes po…Sure…No problem..sige po thank you bye!” hay bwiset na lalake to! Sarap patayin!

“Let’s go? Ano?” tapos tiningnan ko sya ng sobrang sama “Oh come on, don’t give me that look! Nagiging cute ka!”

“Ano nanaman balak mo siraulong lalake ka ha?!” sinigawan ko sya, aba dapat lang may karapatan ako nu!

“I just want to wind up a bit! Tara na!” tapos hinigit nya ako palayo, ang nakakapagtaka dun, yung kotse nya nakapark dun sa may harap ng school, akala ko ba hindi pa makakapagdrive tong lalakeng to at may pilay?

“San tayo pupunta? Huy! Ano ba Caleb! May klase pa tayo!”

“That’s ok, I’ll just excuse you from class na lang.” hinihigit nya talaga ako

“Hoy siraulo! Akala ko ba may pilay ka?”

“Medyo um-okay na kaninang mga umaga kaya medyo nakakalakad lakad na ako”sinabi nya nang hindi man lang tumitingin sakin sa may likod at tuloy lang sa paghigit sakin“Bakit?” tapos lumingon sakin ng nakangiti ng nakakaloko “Nag-aalala ka ba na matatapos agad ang trabaho mo at di mo na ako makakasama?”

“Hoy feeler ka ha!  Anung nagaalala ka dyan! Masaya nga ako eh kasi matatapos na rin ang duty ko eh. Na hindi ko naman dapat ginagawa dahil walang bayad.”Hinihigit nya pa rin ako nung sinasabi ko yun.

Bigla syang tumigil at humarap sakin, nilapit yung mukha nya ng mga 2 inches away mula sa mukha ko! Bakit ganun nanginginit yung mukha ko! Nakakahiya! Nanlalaki ba mata ko? Namumula ba ako?

“Trust me, your paycheck would be more valuable than money” tapos ngumiti at nilayo yung mukha nya “Bilisan mo nga ang tumal tumal mo naman eh!” tapos tumawa sya ng kaunti.

Wheew that was close! Bakit ba sya ganyan?! Geez wala nang mas sisira pa ang ulo sa kanya. Nakarating na kami sa may car, wow mas maganda pa itong car na to kaysa dun sa car na sinasakyan nya kanina papasok ng school. All I can say is wow. Lamborghini sya tapos pure black and wow! Wait! He owns a Lamborghini?! Lumapit sya dun sa “car nya” tapos binuksan yung passenger’s seat.

“All aboard milady” tapos nagbow sya. May sira ba to?

“Kotse mo talaga to?” tanong ko habang nakaturo sa kotse nya at itsurang nagdududa

“Bakit? Sa tingin mo ba kaya ko magnakaw ng ganitong klase na kotse?” tapos naglean sya dun sa may car nya malay ko ba kung anong tawag dun

“Ewan ko, anung malay ko diba?” tapos nakataas yung balikat ko “Eh iyo nga ba?”

“Just get in!” sabi nya habang natawa. May nakakatawa ba sinabi ko?

Tapos ayun, I just found myself inside a very fancy car. Ang bango sa loob, hindi katulad nung mga typical cars na kapag pumasok ka eh gusto mo may sampung panyo na nakaharang sa ilong mo kasi sobrang nakakahilo yung amoy. I just saw Caleb going from the other side of the car papunta sa may Driver’s seat tapos binuksan na nya yung pinto and pumasok. He started the car, wala ngang halos sound eh! Tapos..

"Went Upside Down"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon