Went Upside Down (8)

6 0 0
                                    

"THANK YOU THANK YOU THANK YOU TALAGA ANG BAIT MO TALAGA..TRUE FRIEND KA TALAGA..THANKS SA LAHAT..

.

.

.

.

.

.

.

.

BESTFRIEND , tapos niyakap sya ni Arkin 

Parang dalawang sibat na ang ibinato kay COrinth, isa sa likod at isa sa harap. Ang saklap lang diba? Yung taong gusto mo, may gustong iba. Siguro kaya mo pang tanggapin kung ganyan eh kaso sa lagay ni Coritnh, well yung taong gusto nya may gusto sa iba tapos yung taong gusto nya close friend mo tapos nagpapatulong pa yung taong gusto mo para maging close din sila kasi gusto nya yung close friend mo. Magulo diba? Magulo na masakit pa. Sobrang teary-eyed na si Corinth nun habang yakap sya ni Arkin, she's trying her best na huwag umiyak kasi makikita ni Arkin. Ayun si Corinth pa ang galing galing nyan magtago ng nararamdaman. Pero wala naman syang grudge na hinohold against Bailey, Bailey's like a sister, close talaga sila. 

"Oh bhes tama na ang yakap! Nakakadami ka na eh!"  sabi ni Corinth ng pabiro, syempre tumatawa tawa sya nun

"Ay haha sorry natuwa lang kasi ako ng sobra" tapos bumitaw na si Arkin, "Tara na nga!" 

Nasa may tapat na sila ng school gate nun, tatawid na lang para dun sa waiting shed magintay ng sasakyang jeep pauwi. Awkward Silence na talaga kasi hindi na kaya magsalita ni Corinth nun kasi kapag nagsalita pa sya naku surebol bibigay na yan, si Arkin naman eh ayun as usual tahimik rin normal na yun sa kanya. Sa utak ni Corinth isa lang ang tumatakbo...  "Jeep, please dumaan ka na jeep please please hindi ko na kakayanin dito please awkward na talaga JEEEEEEEEEEEP!" Then ayun at sa wakas after about five minutes may dumaan na na jeep!"Manong! I love you! Savior ka!"  nasabi na lang ni Corinth sa sarili nya, pinara naman nya yung jeep tapos..

"Sure ka na ayaw mo ng kasabay papunta sa bahay niyo?" tanong ni Arkin]

"Syempre okay lang talaga ako, Ako pa asa ka naman may mangayari sakin masama! Wag kang magalala ikaw una kong dadalawin kaya malalaman mo agad"pagbibiro ni COrinth

"Sabi mo yan ha!" nakisakay naman si Arkin

"Oo nga kulit! Sige alis na ako bye! Ingat sa paguwi!" pagpapaalam ni Corinth tapos sumakay naman na sya sa jeep dun sya dulo, alam nyo yun yung part ng jeep na "RESERVED SEAT FOR PERSON WITH DISABILITY" favorite spot nya yun eh. Bigla na lang may sumigaw nung umaandr na yung jeep "BYYYEEEE BHHHEEEEEES!!!!!"

At dun na nga nagsimula bumaha yung mga mata nya,  mukhang nakikiluksa nga ang paligid sa kanya eh kasi dalwa lang silang pasahero sa jeep at kung sineswerte nga naman itong si Corinth oh nasa unahan pa yung isa. Yung hangin nun malamig at malakas, ayun habang nasa jeep si Corinth at umiiyak yung buhok nya lumilipad, nagawa pa nga nya biruin ang sarili nya at sinabing "Anu ka ba Corinth, wag ka na umiyak baliw ka ba? Lumilipad na nga yang hair mo oh diba? Such an achievement" tapos umiyak ulit sya. Medyo malapit na sya sa bahay nun at nagpara na siya, wag kayong magalala nakapagbayad pa naman siya. Pagdating niya sa bahay, wala ang ate nya ayun dun nya sa kwarto tinuloy ang pag eemo. Blangko ang utak nya..tulala lang at parang wala na talagang pumapasok sa utak nya. 

------------------Corinth's P.O.V.-------------------------

"Anu ka ba Corinth ha? Sira ka pala eh, bakit ka ba naman umiiyak iyak dyan? Oo nga bakit nga ba ako naiiyak? You look stupid crying over something that you're not supposed to cry on. Dapat nga matuwa ka diba? Mga kaibigan mo yun! Mas maganda na yung ganyan natulong ka diba? Kaysa maging bitter ka at insultuhin mo si Bailey diba di naman yata tama yun! Mas maganda yung nakakatulong ka for the happiness and benefit of others. Isipin mo muna kapakanan ng iba bago yung iyo Corinth ha? Next time na lang kapag ayos na sila ikaw naman ha? Marami ka apng aasikasuhin! Magiging San Juanica Bridge ka pa kay Arkin at Bailey at magiging Private Nurse ka naman kay Caleb! So wag ka na umiyak ha! wag ka na umiyak! Andyan naman si Lord eh, sya na lang kausapin mo sya lang makaktulong sa'yo ha? Oh wag na iyak punas punas TAMA NA! TAMA NA!" 

------------------end of P.O.V-----------------------------

Medyo gumaan na yung pakiramdam ni Corinth nun, kasi after nyang kausapin sarili nya eh, turn naman niyang makipagkwentuhan kay Lord. Di nya pala namalayan na nakatulugan na pala niya yung pakikipagusap kay Lord, nakatulog na nga siya ng nakauniform pa eh kaya pag gising nya, kahit magaan na yung pakiramdam nya, may kakaiba paring feeling..sadness pa rin pero she tried to endure it. Pag gising nya  seremonyas na sa pagligo at paglilinis sa sarili dahil nga hindi siya nakapaglinis ng katawan nung gabi. Bumaba naman na siya ng kwarto nya at nakitana ang ate nya ayun luto na ang breakfast.

"Good morning!!! Oh Shey handa ka na pala? Ang aga mo yata ngayon  nagising og ayan kain ka na" pagbati ng ate nya sa kanya

"Oo napaaga ng gising at napaaga na rin ang tulog eh, napagod ako kahapon eh"

"Oo pansin ko nga pagdating ko tumingin ako sa kwarto mo, nakadapa, nakauniform at parang walang plano huminga dahil yun mukha mo nakasubsob sa unan"

"Nakakahiya naman yung itsura ko"

"Nahiya ka pa suuus!" tapos inasar sya ng ate nya "Kumain ka na ngang bruhilda ka!" 

"Eto na po kakain na!" 

Tapos kumain na sya ng breakfast nya at sabay na din sila umalis ng ate nya sa bahay nila, papasok din kasi ate nya sa work eh, hinatid na sya ng ate nya sa school gamit yung car.

"Went Upside Down"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon