I stood there, cold nonetheless wet because of the rain. Naiinis ako! Nagagalit! Nasasaktan! Sa lalaking..yumayakap sa akin ngayon..sa ilalim ng ulan. Bakit? Bakit!
Bakit sa lahat ng pagseselosan nya, si Terrence pa? Si Terrence? Si TERRENCE! Kapatid! Best friend! Kuya! Alam ko, napakababaw ng rason para magalit ako. Pero, masasakit yung sinabi ni Caleb sa akin, ewan ko ba. Kapag nanggagaling kay Caleb, ang bilis..kong..masaktan..magalit…matuwa..mapangiti..hindi naman kaya? Hindi eh, hindi pwede..IMPOSIBLE.
“Let’s go..” sabi nya habang bumibitaw na sya sa pagkakayakap nya sa akin
“I’ll walk home..” aalis na lang ako, ayaw kitang makita “Go away..” ayaw lang kita makasama for now
“Naulan pa rin, I’ll drive you home..” napaka-kalmado ng boses nya, nakaka-kalma, kaso..hearing his voice makes it more painful. Caleb please lang..
“Wala nang kwenta. I’m already wet.” basa man ako, pero kahit ganoon gusto ulit kita yakapin, kaso paparusahan ko yung sarili ko.. “Please..Caleb, umalis ka na lang.” sige na Caleb, bago pa ako umiyak ulit..kaunting kaunti na lang.
“I insist Shey..” don’t do this to me come on!
“After what you did?!” sasabog na naman ako “Matapos mo akong pasabihan ng kung ano-ano?! I don’t think so Mister!”
“SORRY NA NGA DIBA?!” aba at nagalit pa “I got carried away!!!” seriously?! This guys has got to get serious anger management therapies! Hindi ako magugulat kung makakapatay sya ng tao! Ako nga mukhang gusto na nyang patayin kanina eh!
“So?” pambabara ko “Would you mind asking first?! Pinapairal mo muna kasi yang init at kulo ng dugo mo dyan sa utak mo! KAYA HINDI KA NAKAKAPAGISIP NG AYOS!”
“Malay ko ba?! It’s not my fault na isipin kong kalandian mo yung TJ whoever he is!”
“Kalandian? Ano yun? Ka-flirt? Ka-fling?! So ako ang may kasalanan?!?!?!”
“EXACTLY!”
Nagsisigawan na naman kami, buti walang tao. Bumubuhos pa rin ng malakas ang ulan, sumasabay sa urge at tension ng emotions ko against Caleb. His face painted a “finally-look” , parang yan yung gusto nya iparating kanina pa.
“You started it!” sabi ni Caleb
“No, you did!” tapos tinulak ko sya, ng malakas! Ibubuhos ko galit ko ngayon!
“It was you!” this guy never stops! REALLY!
“STOP! I’m outta here!” tapos naglakad na ako paalis
“I AM NOT GONNA STOP TILL YOU GET IN THE CAR YOUNG LADY!” sigaw niya
“I don’t want to! I don’t want to fight with you! Napapagod na ako! Lalo lang tayo mag-aaway kapag hinatid mo ako!”
“Fine..I won’t fight. Just, get in the car. Please.
Stay with me…” sabi nya..in a humble voice.
That hit me, nag-echo sa utak ko yung ‘Stay with me’. Imposible. Bigla akong nakaramdam ng hilo, hindi masyado matindi pero umiikot yung paningin ko. Wala na yata ako sa sarili, I think it’s better to..