Went Upside Down (11)

5 0 0
                                    

After kissing him on the cheek, I felt different. I felt like a thorn was pulled out of me. I felt rather lighter. Ano tong pakiramdam na to? Well never mind. Nakita ko na lang na bigla syang napatingin sakin at napatulala, take note, nakanganga! Pero ang cute ha!

“So ganyan pala kiligin si Mr.Santos? Tulala? Tulala?”

“Anung kinikilig ka dyan” tapos tumingin sya sa kabilang direksyon, ang cute nya namumula!

“Sus..aminin! Aamin na yan aamin na! Uuuuuy!” tapos I poked him on his side,he nearly jumped off the bench, dun pala sya may kiliti!

Hoy! Walang ganyanan! Aba!” tumatawa sya pero halatang nagpipigil  habang nilalayo nya yung kamay ko sa baywang nya “Shey isa! Wag ka makulit! Huy anu ba!”

“Wooooh uy oh nakikiliti na yan!” tapos tuloy pa rin ako sa pagkiliti sa kanya

“Isa pa Shey ha! Kapag di ka tumigil hahalikan kit-hahaha!” naputol yung sinasabi nya kasi tawa sya ng tawa, lakas pala ng kiliti nito no?

“Para bang magagawa mo! Waaaa kinikilig na ya- -“ naputol yung sinabi ko, natigilan din ako sa pangingiliti sa kanya, nahulog na lang yung lalagyan ng inumin na hawak ko at natapon sa ground. What did he just do? Did he just..oh no no no no! I felt petrified, tulala, tuliro, at nanigas na lang bigla.

“Sinong kinikilig sa’tin ngayon?” he flaunted a naught smirk on his face tapos tumayo na sya“Halika na, hapon na masyado, I promised your sister I’ll bring you back home before 7 pm”

Ang alam ko na lang eh tumango na lang ako at sumunod sa kanya, bumalik na kami sa parking lot kung san naka-park ung fancy car nya. The next thing I remember is that nakabalik na ako sa bahay dahil hinatid nya ako.

“Oh, we’re here already..” I say nothing

“Huy nandito na po tayo mahal na prinsesa!” may nagsasalita ba? Feeling ko meron eh, tumatawa pa!

“HOY CORINTH SHEY REED! NASA TAPAT KA NA PO NG BAHAY MO!” Nyay katakot! Oo na, sabi ko na eh, may nagsasalita. Napatingin ako sa kanya bigla. Tumatawa sya sabay sabing “Hindi ka makaget-over no?” Tapos tinuturo nya ako “Masarap siguro ako humalik kaya ganun, halikan ko kaya sarili ko nu? Gusto ko tuloy maranasan kung paano ako humalik para mawala din ako sa sarili ko at tumunganga buong araw! HAHAHA!” tapos ang lakas ng tawa nya, as in bumabaluktot (nag be-bend na) na yung katawan nya para hawakan yung tyan nya at pinapalo nya pa yung right knee nya. MAUNTOG KA SANA SA DASHBOARD!

Yeah I sort of came back to my senses and

“Che! Manahimik ka nga! Layas na naihatid mo na ako! Salamat ha! Che!” I said sarcastically, tapos lumabas na ako ng kotse at sinara ng malakas yung pinto

tingnan mo yun nagpapacute nanaman!” narinig kong sinabi nya sa sarili nya, presko, YABANG! 

“Huy teka lang!” tapos lumabas sya ng kotse nya at humabol sakin sa may pinto.

“ATEE!! Buksan mo yung pinto!” sumisigaw na ako sa labas nakakairita kasi tong kasama ko eh, na by the way nasa likuran ko na “Chi ano ba!! Buksan mo na!” sabi ko, sumisigaw na talaga ako

“Huy wag ka nga ganyan kaingay, nakakahiya sa mga kapitbahay oh!” sabi ni Caleb habang kinakalabit ako sa likod

Humarap ako sa kanya, I stuck my tongue out *melong* tapos..“Wapakels!” tapos humarap ulit ako sa pinto at pinalo ko na “Ateeee!”

"Went Upside Down"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon