Nang mga sumunod na araw, busy na sila Caleb. Palagi na silang wala sa klase, palibhasa malapit na nga yung event nila sa Viva. Sila nga yung main performance diba? Remember? Well, hindi naman na natuloy ang aking trabaho bilang private nurse ni Calembong dahil magaling na yung paa nya. Parang kalabaw diba? Bilis gumaling! Kaya obligation free na ako! Ang problema, I had to deal with all the stuff Caleb made up which is, alam nyo na, the me and him, boyfriend-girlfriend thing? Ughh! Everybody is driving me craaaazy! They were like..
“Uy, diba kayo na ni Caleb?! Paano ka nya niligawan?”
“Ahh..ehh.. next question please?” ano to? Interview? Showbiz Central ang peg? The Buzz? The Buzz? KALOKA!
“Kailan mo ba sya sinagot? Corinth grabe ka girl!” OO NA SIGE NA GRABE NA AKO TIGILAN NYO KO!
“Ano..kasi..” speechless ako, hindi naman kami eh!
“Ano ba ang nangyare at parang nagbago ang ihip ng hangin sa inyo? Mula mortal enemies naging sweetest couple kayo ng campus ah!”
“Hep! Hep! Teka lang! Mahina ang kalaban! Tigilan nyo nga ako sa mga tanong nyo grabe kayo ha! Sasabog ng wala sa oras utak ko sa inyo eh! Kami ni Caleb and that’s it! No more heart warming tear-jerking back story ok? It’s starting to frustrate me!”
“Sorry naman..”
“Fine..”
At sa wakas tinigilan din nila ako. Jusmiyo naman! Pati ba naman yung mga ganun kelangan ungkatin pa? Pasensya na kayo wala akong maikekwento kasi walang niisa sa mga tinatanong nyo ang nangyare!
“Uy Corz mukhang pinagkakaaguluhan ka dyan ah..”
“Oo nga eh, buti nga tinigilan na nila ako, kanina wala silang pakundanga sa pagtatanong. Akala mo interview sa TV eh!”
“Nako Corinth Shey! Masanay ka na! Kapag nalaman ng media na ikaw ang girlfriend nyang dakilang Caleb Santos na yan eh tiyak pagpepyestahan ka rin nila!” Geez, I don’t want that to happen. IT’S GONNA BE A LIVING NIGHTMARE!
“Sus! Parang ngayon lang sila nakakita ng matinee artist na nagka girlfriend?” at nakisakay naman ako? Shey ano nanaman bang nasa utak mo ha?!
“Girl, kung alam mo lang na sa lahat ng interview, magazine issues and everything in between! Nasabi na ni Caleb na never as in never pa sya nagkaka-girlfriend! At ngayon, TA-DA!” tapos tinuro nya ako na parang kakatapos lang ng isang magic trick sa isang circus show. Ano ko? Rabbit from the hat?
“Ganun? Sorry di ako fan eh”
“Di ka nga fan, girlfriend ka naman..” OH COME ON!
“Pati ba naman ikaw Bey?! Ugggghhhh!”
“Ok ok I’ll shut up..”
Hay, bakit ba ang big deal kapag artista na ang nagkakaroon ng relationship? Parang yun lang eh! Lahat naman ng tao nagkakaroon ng ganun diba? Nagtatrabaho lang din sila, yun nga lang ang kaibahan, yung ginagawa nila sa trabaho nila, nakikita natin sa TV or naririnig natin sa radio.
Nagkaklase pa rin naman kami. Parang iba ang paligid ngayon? Hmm..napaka? Tahimik? Walang magulo? Oh you bet I’m right! Walang nagsisigawan at nagtitilian kanina sa may entrance, gym, hallway, corridor at classroom na nandyan na ang XLR8. Walang mga flash ng camera, walang manghaharang na hihingi ng autograph o di kaya walang mga nagbabato ng mga gifts kung san-san! Kaso parang..kulang? Anong klaseng tao yun! Di man lang nagtetext o di kaya nangangamusta man lang! Eh ewan ko! Hindi naman ako ganito dati ah! Dati kapag wala sila ok lang naman hindi ako naghahanap! Did I say “naghahanap”? Ay mali mali! Hindi ako naghahanap! I’m not missing them or anybody at all! Not even..Caleb? STOP THIS NONSENSE!!!!!
Pagpasok ko marami na ang pumapansin sakin. Nag “Hi” sakin kahit hindi ko naman kilala. Syempre para polite, mag “Hello” naman ako diba? Marami rin nahingi ng autograph sa akin. Naku po, hindi po ako yung artista, boyfriend ko po yun. Teka, anong sabi ko? “BOYFRIEND KO”? Mali mali! Rephrase! Yung nagpapanggap lang na boyfriend ko yung artista at hindi ako! Minsan tinatanong pa rin ako ng mga kaklase ko tungkol sa amin ni Caleb. Si Bailey naman ang kulit at inaasar pa ako! Pero minsan nagkekwento rin yan tungkol kay Arkin. Di kop ala nasabi sa inyo na, nag-usap kami ni Arkin and sinabi ko sa kanya ang lahat. Sinabi ko sa kanya na nagkagusto ako sa kanya at nasaktan ako nung humingi sya ng tulong sa akin para sa attention ni Bailey. At dahil mabait naman si Arkin, he understood me. He didn’t acted in an awkward way like others would do kung sabihan sila ng ganun. Ang sabi nya lang sa akin. “Nako, ang laki pala ng kasalanan ko sa’yo. Biruin mo napaiyak kita? Sorry ha? Hindi ko naman kasi alam eh. Pero thank you, I’m honored na you paid attention to me. Don’t worry, ako na bahalang dumiskarte kay Bailey. We’re still bestfriends right?” Ayan, ang bait nya talaga diba?
Ganyan ang ikot ng buhay ko for the rest of the week. Nakakapagod. Hindi ko akalain na ganito ang sasapitin ko. Grabe, hindi talaga ako mag-aartista! Wow, assuming lang? Anyways, isang araw habang wala pa rin sila Caleb eh may announcement na sinabi si Mrs.Hurcker.
“Okay class, I have an announcement to make. BE QUIET OR I’LL DEDUCT POINTS FROM YOU!!”
Nag-lean sa may pwesto ko si Bailey, kalapit ko sya ngayon, nasa upuan sya ni Arkin. AS USUAL.
“She is so creepy. Ayaw na ayaw ko kapag ganyan si Prof eh.”
“Same here” sabi ko naman
“So, this is the 6th month of our current school year. And to our surprise, mayroon kayong bagong classmate. Maging kami rin ay nagulat sa pag-eenroll ng studyanteng ito. Aside from the fact na late na sya lumipat eh, he is one genius and handsome boy. Hindi naming sukat akalaing ang university natin ang pipiliin nyang pasukan after studying from the US. Guys, I want you to meet your newest blockmate, don’t worry same class lang kayong lahat. Give a hand for Terrence Jerril Alvarez”
Teka, parang pamilyar sa akin yung pangalan na yun sakin ah. Narinig ko na yung pangalan na yan eh promise narinig ko na yan. Terrence jerril..hmmm?
Tapos pumasok na yung diumanoy bagong kaklase namin, si Terrence..si..
“TJ?!?!?!?!”
“SHEY!!!!!!”
Anong?! Anak ng Teteng naman oh! Anong ginagawa nya dito?!
