Corinth just kept on being quiet, habang nasa kotse sila ng ate nya nakatingin lang siya sa bintana at tumitingin sa paligid ng dinadaanan nila. Walang permanenteng thought sa utak nya, everytime na magbabago yung makikita nya, magbabago rin yung mga iniisip nya, eh dahil nga she’s still on the road on her way to school eh talaga namang iba iba ang maiisip nya dahil hindi naman pwedeng yun at yun lang ang makikita nya kahit paiba iba ng direksyon yung sasakyan nila diba? After about 15 minutes nakarating na sila ng ate nya sa school.
“Oh umayos ka ha, aalis na ako” pagpapaalala ni Violet
“Sige ate, mag-ingat ka sa pagddrive mo ha?” sagot naman ni Corinth
“Oo naman syempre ako pa?” pagmamayabang ni Violet with matching salute pa
“Sus eto wag ka nga ang yabang mo eh! Bababa na lang ako ng kotse ganyan ka pa!” tapos pinalo nya yung ate nya sa braso
“Eto naman naglalambing lang ang napakaganda mong ate!”
“Eto todo na talaga to alis na ako ha” tapos lumabas na si Corinth sa kotse nila, nung nakalabas na si Corinth at naisara na nya yung pinto, nagbukas pa yung window
“Yung meryenda at lunch mo nandyan na sa loob ng bag mo, wag mong kakalimutan.
Baka kasi bumili ka pa ng pagkain mo eh, magtipid ka naman” tapos nagsara na yung bintana at humarurot na lang ng takbo yung car
“Tingnan mo yun di pa nga ako nakakapagpaalam ng maayos umalis na! In fairness ha ginagawa akong highschool at may baon cheverlou pa!” bulong ni Corinth sa sarili nya
Ayun sa kabilang kalsada siya binaba ng ate nya kailangan pa nya mag cross ng high way para makarating sa front gate, mag ste-step na sana sya ng biglang may isang pulang Montero ang humarang sa kanya, sobrang nagulat sya, yung tipong mini-heart attack ba? Pero hindi siya sumigaw, napaatras na lang siya ng biglang nagbukas yung window sa front passenger’s seat at may sumigaw ng
“GOOD MORNING MY PRIVATE NUUUUURSE!!!”
“Anu ba Caleb?! Pwede ba sa susunod kung mag ggreet ka lang ng “good morning” eh sa maayos na paraan?! MAMAMATAY AKO DITO NG WALA SA ORAS EH!”
“Sorry naman aba, oh anu ready for your second day of service?”
“Sorry I’m not in the mood, now tell the driver to get your car out of the way”
“Ang aga aga ang sungit neto, meron ka no?”
Tapos bumaba na lang siya ng kotse, and yung nangyari kahapon, it was not Corinth’s dream dahil ayun medyo pilay pa rin si Caleb. Kahit hindi na ganun kalala yung pag iktad nya, he was still limping tapos humawak nanaman sa kamay ni Corinth at humarap dun sa driver
