Went Upside Down (17)

3 0 0
                                    

Lunch break na namin, magkakasama kaming tatlo at tapos na kami kumain. Kaya nagpunta muna kami sa may  puno kung saan ako palagi tumatambay. Umupo kaming tatlo, si Bailey, si Terrence at ako..you see the arrangement? Nakasandal si Terrence sa puno habang kami nakasandal sa kanya. It’s a cool noon, maaraw pero malamig yung hangin, ang sarap matulog..mahaba pa yung oras diba..sumilip ako kay Bailey at Terrence..si Terrence naka-support sa likod naming dalawa habang nakasandal sa puno, si Bailey tulog na at nakayakap na kay Terrence..yumakap na rin ako kay Terrence, na-miss ko talaga gawin ang mga bagay na ito kasama sila..I think I’m falling..asleep..

“What?” kilala ko yung boses na yun ah..

“Bailey?”  yun din, ibang boses naman..

I popped my eyes open..blurred ang itsura..there were 8 figures..wait..8?!

“Shey? Is that you?” wag ka magulo natutulog pa ako eh..

“Bailey?” ano daw? Waaa inaantok pa talaga ako..

Naramdaman ko na nagising si Terrence. Medyo naramdaman kong napa-holdback sya. May tao ba talagang nakatingin samin?

“Uhmm, Bebe, Be, uy Shey gising na..” tapos shina-shake nya ako..

“Huh?” tapos napaupo na ako at nag-rub ng mata ko

Humarap naman si Terrence sa kabila nya kung san nakayakap pa rin si Bailey..

“Bebe Bey, Bebe bailey gising na uy..”

“Huh anong nangyare kuya?”

“Nakatulog kayong dalawa eh.”

“Tell me, what’s the meaning of this..”

Nagulat ako, bigla akong napatingala at nakita ko yung walo, nasa harapan naming na parang curious at gulat sa mga bagay na nangyayare sa paligid..

“Uhh, Caleb..”

“Arkin?”

“Bailey..ano to?” sabi ni Arkin ng nakatungo

“Ano to? Kayong dalawa? Ano to ha?” he looked so furious, he’s trying to compose himself pero dama ko yung galit nya. Yung mga mata nya, nagtutubig na.

“Ah ano, it’s not what you think it is..”

“Sya ba?” tanong ni Terrence sa akin. Alam na nya na si Caleb yung tinutukoy ni Bey kanina.

“Anong ako? Shey? Sino sya!” sumigaw na sya at tumulo na yung luha sa kabilang mata nya. Bakit sya naiyak?

“Terrence pare..” tumayo si Terrence at nag-offer ng kamay..

“I wasn’t talking to you, I was talking to my girlfriend! If she would still be..” tapos humarap sya sakin , hinawakan yung wrist ko “Shey! Sino sya?!”

“Pare, wag ka magalit sa kanya, wala syang ginagawa..”

“Anong wala? Makikita ko kayo natutulog, magkayakap, at sa ilalim pa ng puno namin?” puno namin? Kalian pa naming naging puno itong puno na to?

“Caleb stop it” nagagalit na rin ako..

“At di ka pa nakuntento, pati si Bailey sinama mo pa? Wow pare, chickboy ka ah!” wag mong pagsalitaan ang kuya ko ng ganyan, wag.

"Went Upside Down"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon