Went Upside Down (12)

6 0 0
                                    

“Ganun ba? Bakit bigla ka na lang nawala kahapon? Kayo ni Caleb?”

Nasa may pintuan pa rin ako, di ko alam isasagot ko? Sasabihin ko ba? Ano? Pagnalaman nya anong gagawin ko? Patay na!

“Ano..kasi..ganito..uhm..” don’t panic don’t panic! May umakbay sakin, that ought to calm me a bit!

“Nag-date kasi kami ng GIRLFRIEND ko kahapon eh, kaya napaaga kami ng alis” there! I really needed a good excuse! Teka..kilala ko yung boses na yun ah! CALEB?! GIRLFRIEND?! AKO?! KAILAN PA?! DI AKO NAINFOOORM!!!

“GIRLFRIEND?!”

“Yeah! Shey, my girlfriend”

Tapos, inalis nya yung pagkakaakbay nya sakin tapos hinawakan nya yung kamay ko. I am completely and obviously shocked kasi the moment he held my hand eh nanigas ako.

“G-g-g-girlfriend? A-ako?” tanong ko kay Caleb, kinakabahan parin ako. Eto nanaman tayo, I feel like I should be called “Stuttering Shey” when I’m with him! Ugh!

“Of course honey bunch, your mine right?” then he pinched my nose and glared at me like crazy, parang sinasabi na “makisakay-ka-na-lang!” 

““Honey..b-bunch?” tanong ni Arkin ng nakakunot ang noo at nakatagilid ang ulo”

“A-a-h E-eh Syempre naman, wag ka naman masyado cheesy, nasa harap natin si Arkin eh.. pumpy-yumpkin ko talaga..ha-ha” then I punched his right arm lightly, yung parang ginagawa nung mga..eew I can’t believe I’m going to say this..yung parang ginagawa ng mga “mag-on” nga kung tawagin?

“Pumpy-yu what?” lalong nagmukhang nagtataka si Arkin, nakakapagtaka naman talaga eh! Kahit nga ako nagtataka eh!

“Will you excuse us for a moment?” sabi ni Caleb kay Arkin

“Oh, sure. Go on” sabi ni Arkin ng nakangiti

Tapos hinigit na ni Caleb yung kamay ko. He dragged me down to the usual place, saan pa? Edi sa garden nanaman! Tapos pagkadating naming dun, hinigit ko talaga yung kamay ko papalayo sa kanya at sumigaw ako ng..

“What were you thinking?! Girlfriend?! Seriously?!” nagagalit na ako, pero ewan ko ba, nagagalit ako eh, yun ang pakiramdam ko ngayon. 

“Shey, LET-ME-EXPLAIN.” Sabi nya sakin habang nakahawak sya sa both shoulders ko.

“What?! Na ano?! Caleb NAKAKAHIYA!”

“Saglit lang pwede?! Makinig ka kaya muna! Ang bunganga mo umiiral nanaman eh!”

“Okay! Fine! Now what?!”

“Eh kasi anong sasabihin mo sa kanya? Ha? Na hinigit kita para lang pumunta sa amusement park for nothing? And what? Pag tinanong nila kung bakit? Hahantong lang din tayo sa iisang reason Shey! One fake reason! And that reason would be because it was our first date together as a couple!”

“Pwede naman natin sabihin na nagpunta tayo sa ospital kasi masama ang pakiramdam ko o di kaya naman nagpunta nga tayo sa amusement park para lang maglibang!”

“Sa tingin mo maniniwala sila? Na lumabas tayo kasi wala lang?”

“Bakit? Ano ba?”

"Went Upside Down"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon