Went Upside Down (14)

4 0 0
                                    

Tapos nag-turn sya, I mean yung car pala. Tapos pumasok sa parking lot.

“We’re here..”

“Mall?!”

“Why?”

“Mall?!”

“We’re going” tapos tinaas nya yung kamay nya na parang nahingi ng manicure tapos “SHOPPING!!!!!”

“Caleb nababading ka na ba?!”

“Anong nababading ka dyan! Ikaw ang bibili ng damit hindi ako ok?”

Tapos bumaba sya ng kotse, tapos sumunod ako palabas! Shopping?!

“Ako? Bakit di ka nagsabi kahapon edi sana may dala akong pera ngayon!”

“Sabi ko bang ikaw ang magbabayad?”

“Syempre damit ko yun eh! Ako magsusuot tapos..teka..ikaw? ikaw ang magbabayad?”

“Sino pa ba? Edi ang mayaman mong pumpy-yumpkin!”

“Talaga?! Ikaw?! Mag-shoshopping ako ikaw ang magbabayad”

“Ayaw mo ba?”

“Ano ka ba! Syempre gusto ko!” tapos tumalon ako para yakapin sya. Syempre matangkad sya kaya tumalon ako para maabot ko ang leeg nya. “Thank you! Thank you! Thank you! Ang bait bait mo ata ngayon!”

Tapos naramdaman ko na lang na yumakap din sya…medyo matagal rin kaming ganun. Bigla na lang nagsalita si Caleb..

“Uhmm Shey..”

“Yes?”  

“Inorasan kita, 5 minutes ka nang nakayakap! Chancing ka!”

Syempre bumitaw na ako! 5 minutes? Bakit parang saglit lang?

“Anong chancing ka dyan!” Siraulo! Tara na daliiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!!!!!!!!!!!!!!”

“Wait lang, anong oras na ba?” tapos tumingin sya sa wristwatch nya “3:45? Wow maaga pa pala! Halika dali may appointment ka kasi ng 5:00 pm eh kaya dalian mo bibili ka pa ng damit!”

Tapos pumasok na kami sa Mall..pinagtitinginan nga kami eh kasi hawak ni Caleb yung kamay ko tapos tumakbo kami. Buti na lang may suot na cap si Caleb kaya medyo tago yung buhok at mukha nya tapos nakauniform kaming dalawa.

“Sino kaya yung pogi na yun na natakbo?”

“Oo nga, mukhang pamilyar”

“Di naman, pogi lang. Swerte naman nung kasama nya.”

“Ang ganda nga eh!”  

“It was a good idea that I wore a cap no?” bumulong si Caleb sakin

“Yeah, kung hindi..nako nako baka mamaya makilala ka nila tapos mabatikos ka pa na ang ganda ng girlfriend mo no” tapos tinakpan ko yung bibig ko kasi na gi-giggle ako

“Girl-f-friend?” girlfriend? Did I say girlfriend?

“I meant friend, classmate diba? F-R-I-E-N-D”

“Aah, bilisan mo nga! Ang bagal bagal mo naman eh!”

Sungit bigla? Ayun, hawak hawak nya pa rin yung kamay ko, actually hindi nya nga ako hinahawakan gently eh. Hinihigit nya ako. Lagi nyang sinasabi na ang bagal-bagal ko daw at malalate na kami eh halos makaladkad na nga ako sa mall at mag mukhang basahan na hinihigit higit lang. Sabi nya hinahabol daw kasi naming yung appointment namin ng 5 pm at bawal daw mahuli dun. Nakarating naman kami sa isang boutique na sosyal. And by I mean sosyal I mean.. “sossy na sosyal” pa! Well, they don’t sell gowns or stuff but they sell formal wears like pretty dresses, cocktail dresses, polo’s and tux’s. Everything you need for a not so formal gathering.

"Went Upside Down"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon