Kabanata 17

9.9K 300 47
                                    

Continuation of Simula.

Lumapit ako roon sa Palm tree. Sinilip ko kung ano ang ginawa niya roon. Pero wala naman akong nakita na kakaiba roon. Wala rin siyang hinukay o ano. What did he do? I stared again at the Palm tree. I stared at its roots. Nothing.

Whatever. Why did I even bother.

Napalingon ako sa dumating na sasakyan. Lumabas mula roon si Tita. Sinabi niya nga pala na sabay-sabay kaming mag-di-dinner.

"What are you doing here, Ara?" she asked.

"Ah, may kinausap lang po. How's the resort, Tita?" I asked.

Nag-usap kami habang papasok sa loob. Naabutan ko sa loob si Kuya na kinakausap si Emrei. Lihim akong napasimangot. Kuya stared at me and smirked. What's with those smirk?

"Engineer! Mabuti naman at nandito ka ngayon sa bahay! We will have a dinner. Do you want to join us?" Tita asked.

No. Please, say no.

"Sure po."

Hindi ko na naitago ang pagsimangot. My brother is now looking at me with amusement.

"Nakilala mo na ba itong mga pamangkin ko, Emrei?" tanong ni Tita.

"You have no idea, Tita," natatawang sinabi ni Kuya.

Nagtatakang tinignan ni Tita si Kuya. Hindi ko na lang siya pinansin at umupo na sa lamesa. Naglalapag na ng mga pagkain doon ang mga kasambahay niya.

"I know them. We were schoolmates," sabi niya.

Yeah. Just schoolmates. Not an ex. Because we never had a relationship, anyway.

Umupo na rin sila. Sa tapat ko umupo si Kuya. Katabi ko naman si Tita na katapat si Emrei. Hindi ko siya sinulyapan ng tingin kahit isang beses.

"Really? That's good, then. Dito muna kasi maninirahan itong si Ara. She has some issue in Manila. Iniisip ko kasi na baka mailang siya kapag hindi niya kilala ang makakasama niya sa bahay," sabi ni Tita.

Dito nga talaga siya nakatira. Bakit kaya? O baka may project siya malapit dito? But he knows my Tita. How?

"Naiilang talaga ako," hindi ko alam na malakas ko pala iyon nasabi.

Nagtinginan silang lahat sa akin. Saglit ko pang nasulyapan ang seryosong mukha ni Emrei. Uminom ako ng tubig at nag-iwas ng tingin.

"Sorry for bothering you, Tita," sabi agad ni Kuya. "Ara is really a pain in the ass."

I frowned at him. Makapagsalita, parang hindi siya ganoon dati! He's just lucky he fell in love. And the girl loves him back. Ako lang ata ang malas sa pag-ibig sa pamilya namin.

"Ano ka ba! Hindi naman kayo ibang tao! Pamilya tayo," sabi ni Tita.

Nagsimula kaming kumain. Ramdam ko ang paninitig niya sa akin. Napansin ko ang isang putahe na hindi niya ginalaw. Kare-kare. It's his favorite. Or not anymore?

It's still shock me. Knowing the way someone you know, can change to someone you don't know anymore.

"And Ara is just enjoying her single life. Alam ko na hindi niya kasalanan iyong nangyari kay Elliott. Sino ba naman kasi ang hindi mababaliw sa kagandahan niya?" ngumiti sa akin si Tita.

I smiled back. There's one person, Tita. And he's sitting in front of you.

"Masarap pa rin sa pakiramdam kapag nasa iisang tao ka na lang. Tapos mahal niyo pa ang isa't-isa," sabi ni Kuya habang may ngiti sa labi.

He really fell. And it's deep. Nakaramdam ako ng sakit para kay Kristine. Bigla akong napasulyap kay Emrei. He's staring at me. I can't read his expression.

Deadly Beauty (Levrés Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon