Excited akong pumunta sa library kinabukasan ulit. I felt something about him yesterday! Nakakaramdam lang ako ng tampo sa mga taong mahalaga sa akin. Like my family and friends. Unang beses iyon na nakaramdam ako ng tampo sa ibang tao! At lalaki pa! I'm excited to know what are the other feelings he would make me feel for him.
"Hi!" I greeted him happily.
Hindi pa siya nagliligpit ng gamit. Marami rin libro at papel ang nakakalat sa kanyang lamesa. Mukhang magtatagal pa siya rito.
"Mukhang marami iyang ginagawa mo, ah? Nakakain ka na ba?" tanong ko.
"Hindi pa."
Tumayo ako. Napatingin siya sa akin. "Wait here!"
Nagtungo ako sa cafeteria at bumili ng pagkain namin. We are allowed to eat and drink in the library. We just have to be considerate of the others sharing the table. Since only the two of us are there, it's okay. I bought some hamburger because it is not noisy to consume.
Bumalik na ako sa library at nakitang abala pa rin siya sa ginagawa. Such a responsible man. My past flings or exes doesn't do this thing.
"Here."
I put the hamburger near him. And a bottled drink. Napatigil siya sa ginagawa at napatingin sa akin. Medyo kumunot ang kanyang noo.
"Ano ito?"
"Binili na kita ng makakain mo baka kasi magutom ka. Ang dami mo pa naman ginagawa," sabi ko.
"Don't do this!"
Natigilan ako dahil narinig ko ang galit sa tono niya. Mali ba ang ginawa ko? Oo nga pala. Ayaw nilang nililibre sila ng pagkain! Men and their ego. Seriously. We should be give and take! Hindi lang dapat lalaki ang gumagastos. At dapat hinahayaan lang din nila na gumastos ang babae para sa kanila.
He sighed heavily. "I can buy on my own. And I'm not hungry. Don't do this again," seryoso niyang sinabi.
Hindi na lang ako kumibo. Thanks, Aradel! I said to myself. He's really mean! I pursed my lips to stop it from smiling. I should be turn off by this but I'm not. I'm only getting excited. And he looked so freaking handsome when he was angry!
Naabutan ko siyang nakatingin pa rin sa akin. "Oo na. Hindi ko na uulitin."
Kinagatan ko iyong burger at umiwas ng tingin sa kanya. Itinago ko ang ngiti mula sa pagnguya. Nagpatuloy naman na siya ulit sa ginagawa.
"Pero siguro kung iyong taong gusto mo ang nagbigay sa iyo, malamang nagmamadali ka pa sa pagtanggap," bulong ko.
"What?" sabi niya. Nagpatay malisya ako. "I didn't ask you to bought me some food."
"Oo! Nagkusang loob ako, okay na?" sabi ko. "Kung ayaw mo, edi ibibigay ko na lang sa iba."
Nilibot ko ang paningin sa buong library. May isang lalaki ang nakaupo malapit sa amin. Kinuha ko iyong burger para ibigay na lang doon sa lalaki pero pinigilan ako ni Emrei. Pinigilan ko ang mangiti.
"What? I thought you didn't like it?" sabi ko.
"Ang sabi ko, ayokong binilhan mo ako," giit niya.
"So you like it?" sabi ko.
"I don't like you."
"I'm talking about the burger!" sabi ko.
Tinakpan niya na ulit ang mukha niya ng libro. Gusto ko iyon hilahin pero pinigilan ko ang sarili. Mapanakit din talaga itong lalaki na ito.
"Can you imagine not liking me back. Me. A beautiful, sexy, and intelligent woman. That would be tragic!" umiling-iling ako.
"It happens."
BINABASA MO ANG
Deadly Beauty (Levrés Series #3)
Fiksi UmumGorgeous. Sexy. Smart. Confident. Perfect. Kapag may nagtanong kung sino sa palagay nila iyan, they will immediately say that it's Aradel Strauss. They say she was more beautiful than Helen of Troy. She was acknowledged as a goddess of beauty in her...