Kabanata 25

11.1K 327 112
                                    

Kinabukasan ay maaga kaming nagtungo roon sa isla. Malaking bangka ang dinala namin. Isa sa mga bodyguards ni Tita ang nagpaandar noong bangka.

"What happened?" tanong ni Kristine. "Kanina pa si Emrei nakatitig sa iyo. Parang takot mawala ka sa paningin niya."

Saglit kong sinulyapan si Emrei na nakapwesto roon sa tabi ng isang bodyguard na nagpapaandar nitong bangka.

Hinahangin pagilid ang nakalugay niyang buhok. Seryoso ang mukha niya. Medyo nakakunot pa ang noo habang taimtim na nakatingin sa akin. Wearing a tight grey v-neck that hugged his body well. He look so handsome while standing there, habang nakakapit sa kahoy kung saan nakakabit ang bubong nitong bangka. He licked his lips and pout a bit.

He kept bugging me last night to sleep in his room. Natakot siyang baka sa kwarto ko ako matulog gayong doon na talaga natulog si Usui. Napagod siya kaya hindi ko na rin ginising. I kept assuring him that I won't sleep there.

Pumasok na nga ako sa isang kwarto at doon na humiga. Pero hindi pa rin siya umalis.

And it the end, we slept in that room together. Doon siya sa sofa habang nasa kama ako. Alam ko para akong tanga dahil hindi ko siya hinayaan matulog sa tabi ko kahit na may nangyari naman na sa amin. But that's the point of it. I don't want to sleep beside him because I know that would happen again.

"I heard your shouting last night. Let me guess, he asked about what Usui has said?" patuloy niya.

"Oo. Nagtanong siya kung bakit ko siya inayawan at iniwan. Sinabi ko na sa kanya ang lahat," sabi ko at nag-iwas na ng tingin kay Emrei.

Nakarating kami roon sa isla. Bumaba agad si Emrei sa bangka pagkasudsod pa lang nito sa buhanginan. Tinaas niya ang kamay sa akin para alalayan ako sa pagbaba. Nagkatitigan kami.

"Wow. May pag-alalay pa, akala mo naman napakataas ng bababaan," bulong ni Kristine sa akin.

I ignored her and put my hand onto his hand. Bumaba na ako sa bangka. Bumaon agad ang paa ko sa buhanginan pag-apak ko.

"Here, take my hand, Jasmine-san. Your witch friend can fly to reach the sand," I heard Usui.

"Tigilan mo akong hilaw na hapon ka baka lunurin kita riyan!" sabi ni Kristine.

Inaya ko na sila roon sa cottage. Since Tita told us that Emrei were coming here, I am now sure that he made this cottage. Sino kaya ang kasama niya kapag pumupunta siya rito? Iyong mga babae kaya na binibisita siya rito?

Malamang. Dahil noong nakaraan ay inaaya siya ng mga iyon maligo!

We put our bags there. The first to leave the cottage was Usui. Si Emrei naman ay kinakausap iyong dalawang bodyguard. Kaya nagtanggal na rin kami ng damit doon. Tinira ko muna ang shorts ko. Jasmine was wearing a blue bandeau bikini. While Kristine was wearing a red string bikini. I just wore a black simple two piece.

Umalis na iyong dalawa kaya naiwan ako sa cottage. I was putting some sunscreen when Emrei arrived here. I looked at him. He eyed me with his poker face.

Hindi ko pa rin sinasagot iyong kagustuhan niya. Hindi naman siya nagmamadali kaya hahayaan ko muna na walang sagot.

"Hindi ka maliligo?" tanong ko.

"Hindi. Babantayan lang kita."

I arched a brow. "What am I? A five year old? Na kailangan pang bantayan?"

"I want to make sure that kitten wouldn't touch you. That he won't touch even a strand of your hair," he said.

Kitten? Who? He called Usui a kitten?! Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Talagang pinagseselosan niya si Usui?

Deadly Beauty (Levrés Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon