Kabanata 21

10.1K 282 28
                                    

Pinanood ko sila. Nakatutok ang tatlong babae kay Emrei habang nagsasalita siya. Who are they? Why are they here? Lagi ba silang narito?

Ang kapal naman ng mukha niya, kung ganoon! Nakikitira na nga lang siya rito, nagdadala pa siya ng mga babae?! Alam ba ito ni Tita? O hindi?

Sumimangot ako at padabog na pumasok sa loob ng banyo. Hindi muna ako naligo at nagbihis na lang muna ng iba. I wore my black knotted bandeau bikini. I'm gonna swim! Tutal ay busy naman siya baka hindi na niya ako pipilitin kausapin. Nagsuot na rin ako ng white dress para ipangtakip muna.

Lumabas na ako at nagtungo sa mga gamit ko. I just put some sunscreen and pick my sunglasses.

Pagtapos ay dumiretso na ako palabas ng kwarto ko. Nagmadali ako sa pagbaba. Naririnig ko na mula rito ang hagikhikan ng mga babae. Dumiretso ako ng labas. Magtutungo na sana ako sa cottage pero nandoon sila.

Emrei stood up when he saw me. There were three girls and two guys with him. I don't know any one of them.

"Oh, shit. Who's that goddess?!" sabi ng isang lalaki nilang kasama noong mamataan ako.

"Siya ba iyong pamangkin ni Tita Anita, Emrei?" tanong naman ng isa.

Dumiretso na lang ako sa isang sun lounger na nasa kabilang gilid. Nilapag ko roon ang tuwalyang dala at umupo. Napaangat ako ng tingin noong maramdaman ang pagsunod ni Emrei.

I shoot him a glare. His girls were outside of the cottage, staring at us. The boys, were staring at me.

"I didn't know that they will come here," sabi niya.

"Walang nagtanong, Emrei," malamig kong sinabi.

Tinignan ko iyong dagat. Medyo malakas ang alon ngayon. Hindi rin mainit kahit tirik na tirik ang araw. I heard the girls called for him. The weather's not hot, but my head is.

"Did you always brought them here? Wala ka man lang bang kahihiyan? Dito mo pa talaga dinadala sa mansion ng Tita ko iyong mga babae mo!" hindi ko na napigilan ang sarili.

"Hindi ko sila dinadala rito. This is their first time to visit here. At hindi ko sila babae," he said.

"Like I would believe your mouth made for spewing lies," I spat.

He straightened up and cocked his head to the side. I pursed my lips and looked away.

I stood up and removed my dress. Hindi ko maiwasan na sulyapan siya. Nakita kong saglit niyang tinapunan ng tingin ang katawan ko. Parang nag-init ang buong katawan ko dahil lang doon. The hell.

Dumiretso na lang ako sa dagat. Patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa maging balikat ko na ang tubig. Nilingon ko ulit siya. Nakaupo na siya roon sa sun lounger habang taimtim na nakatitig sa akin. He's wearing a simple white v-neck shirt and khaki shorts. His hair was in a half ponytail. His hairstyle that I really like before. And I'm actually glad that he didn't cut his hair short.

The two guys were at his side talking to him. The girls were curiously staring at me. They weren't the girls in the resort before. Iyong mga babae na kaya iyon ang madalas na nandito? Hindi sila?

Tinalikuran ko sila at tumingin na lang sa malawak na karagatan. Hindi pa palubog ang araw. Pero alam ko, nalalapit na rin ang paglubog nito.

I closed my eyes. I want to go home. I don't want to stay here anymore.

Napasinghap ako noong malakas na sumalpok ang alon sa mukha ko. Nawalan ako ng balanse dahil sa gulat kaya lumubog ako sa tubig. Paahon pa lang ako noong may braso ng pulupot sa baywang ko para iangat ako.

Deadly Beauty (Levrés Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon