Kabanata 8

9.1K 355 319
                                    

Pagpasok sa loob ay nakita ko sila Mama sa sala. My brother is here too. We are all complete again.

"Daddy, who lives in that European style house?" tanong ko agad.

Sila lang kasi ang European style na ganoon ang bahay rito. Most of the houses here were modern style. There's a Spanish style house but it's kinda far from here.

"Duncan Kertia and his family lives there. You didn't know?" tanong ni Daddy. Umiling ako. "Minsan lang din kasi sila umuuwi roon. Why do you my ask, gorgeous?"

So, he really live there. Well, I rarely see his parents. Hindi ko alam noong una na anak siya ni Tita Angeline. I know that Zenrick has a brother. Hindi ko lang din alam na siya pala.

"Because some handsome guy with the long hair lives there," sabi ni Kuya at ngumisi sa akin.

Hindi man lang niya sinabi sa akin na nakatira pala sila roon! He knows that I'm interested with him! He should have told me! Edi nagambala ko na sana siya roon sa kanila.

"Oh, si Emrei ba?" sabi ni Daddy. "Kakauwi lang no'n diyan sa kanila. Mag-isa lang siya roon nakatira ngayon. His brother, Zenrick, has a condo. Ang mga magulang naman nila ay nakatira sa iba pang bahay nila."

Mag-isa lang pala siya sa kanila. Pwedeng-pwede gambalain! I smiled evilly. Now I know where he lives.

"You're interested with him?" Daddy smiled at me knowingly. "Emrei and his brother Zenrick, they are both good looking. Both are smart and responsible too. I can't blame you for liking him."

"But I heard they are both a... womanizer. Hindi mga nagse-seryoso sa isang relasyon," sabi ni Mama.

"Ganoon talaga, Ma, kapag gwapo. Matinik sa babae. Parang noong kabataan ko," tumawa si Daddy.

Napangiti ako. Ngumiwi naman sa kanya si Mama. Inasar siya ni Daddy. This is one of the reason why I believe in true love. Why I believe that soulmate is true. My parents are the living proof of it.

Kinabukasan, huminto ako sa bahay nila Emrei. Their house is too quiet. I've been noticing this house before. Hindi ko lang gaano binibigyan ng atensyon dahil hindi naman ako interesado. Pero madalang ko lang makita na may taong lumalabas sa kanila noon. It was just always the maids and the guards. Madalang ang mga Kertia.

Sakto ay biglang bumukas ang kanilang gate. Lumabas mula roon si Emrei. He's wearing a grey hoodie jacket and a black shorts. His hair was in a high ponytail.

What a beautiful view.

Medyo naglakad ako palapit pa sa kanila. Agad naman niya akong napansin.

"Hello, my morning is so good because I see you!" I grinned at him.

"Good morning," sabi niya lang.

I eyed him again. Even in this outfit, he's remarkable. Kahit anong damit ata ang suotin niya ay bagay sa kanya. O kahit wala siyang damit. Pinigilan ko ang mangiti.

"Are you going to jog?" tanong ko.

"Yes," tinignan niya ako. "How about you?"

"Hindi. Plano ko lang maglakad-lakad," sabi ko. "Sige na, takbo ka na!"

Nagsimula na akong maglakad. Hindi pa sumisikat ang araw kaya hindi pa mainit. Ang init pa naman ng araw ngayon kahit alas siyete pa lang ng umaga.

"Let's walk together, then."

Natigilan ako. Nilingon ko siya pero naglakad na siya at nilagpasan na ako. Sinabayan ko naman agad siya sa paglalakad. I can't believe he'll join me. Now, I can't stop smiling.

Deadly Beauty (Levrés Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon