Bakit kakalat ang rumors na iyon kung walang basehan? Iyan ang paulit-ulit kong iniisip.
At sino naman ang magkakalat noon? Bakit ikakalat iyon? For what? When Emrei said there was nothing going on between them. He was mine to begin with! Kaya bakit nila sasabihin na inagaw ko si Emrei kay Seira? Para lang ba masiraan na naman ako?
Issue after issue. Kailan ba ako lulubayan ng mga iyan?!
Kumalat na rin ito sa mga social media. They were talking about me again. Badmouthing me. They really want to gossip about me, huh? After that issue with Elliot. Daig ko pa artista ngayon dahil sa mga issue na iyan!
Hindi na ako natutuwa.
Inasikaso ko muna ang paghahanap ng apartment ni Elliott. Tama na rin na dito siya. Mamaya ma-issue na naman ako kapag nalaman na sa amin siya tumitira! May issue na naman nga ako ngayon. Ako na dagdagan pa.
Malapit lang sa shop ko siya nahanapan. Maliit lang ito pero ayos lang naman daw sa kanya. Hindi na raw kailangan ng malaki pa at mamahalin. He actually used living in some small apartment before. Laking hirap din pala siya.
"I got some cash. Let me pay for it," sabi ni Elliott noong magbabayad na sana ako.
"Hanggang kailan ka ba tatagal dito?" tanong ko.
"Hindi rin naman ako magtatagal. Just let me gather some of my loyal friends in showbiz and media," sabi niya.
"Okay. Kung mangangailangan ka man ng pera, sabihin mo lang sa akin," sabi ko.
Pumasok na kami sa loob. Maliit lang talaga ito. Pang-isahang tao lang. But it's complete. There's a kitchen, a bedroom and a bathroom. I think he will be fine here.
Tinanggal na ni Elliott ang suot na disguise. Wala pala siyang ibang dala kung hindi sarili niya lang at pera niya. Mukha rin siyang gusgusin. He's not the famous and artist Elliott Danaflor. He's just a normal person right now.
I actually pitied him. I don't care what he did in the past. Wala naman nangyaring masama sa pamilya ko kaya hindi na ako magtatanim ng galit sa kanya. May kasalanan din naman ako. Atsaka narinig ko na rin naman iyong rason niya. Kaya mas lalo siyang nakakaawa.
"Are you going to visit me here?" he asked with a bit of hope in his tone.
"Oo kapag hindi ako busy," simple kong sinabi.
Sinilip ko iyong bedroom. May isang kama at may isang aircon naman sa loob. Sakto para sa kanya.
"I'm sorry I can't visit you in your shop. Baka kasi may makakilala sa akin," he said.
"You don't have to. Stay here and gather your ally."
Sunod kong sinilip iyong bathroom. Malinis naman ito at mabango. Hindi naman siya maarte for being one of the richest bachelor here in the Philippines.
"Are you single right now, Aradel?" he asked.
"Saan ka bibili ng pagkain at mga damit mo?" tanong ko, binalewala iyong tanong niya.
"There's a mall near here, right?"
"Gusto mo pabilhan na lang kita sa mga bodyguard ko?" I offered.
"Nakakahiya naman! Kahit ako na lang! Mag-iingat na lang ako! Pasensya na sa abala, Ara!" sabi niya. "You're really kind."
"I'm going home now. You sure you'll be fine here?"
Binalingan ko siya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa pang-isahang sofa at tumango sa akin.
"Yes! Just visit me sometimes, okay? So, I can have someone to talk to," he said.
BINABASA MO ANG
Deadly Beauty (Levrés Series #3)
General FictionGorgeous. Sexy. Smart. Confident. Perfect. Kapag may nagtanong kung sino sa palagay nila iyan, they will immediately say that it's Aradel Strauss. They say she was more beautiful than Helen of Troy. She was acknowledged as a goddess of beauty in her...