Invitation
It's dawn and my mind won't sleep.
Pagkatapos ng nangyari sa sasakyan ni Joey ay pinahatid na niya ako sa kanyang driver. Kahit alam kong wala siyang masamang balak ay hindi ko pa rin pwedeng ipaalam ang ilang detalye tungkol sa mga Valenzona. Mabuti nalang at naiintindihan niya ang tungkol sa bagay na iyon. Chan is mad at me and I can't afford to make him even angrier.
Hanggang ngayo'y hindi ko maalis sa isipan ang sinabi niya.
'You're a terrible liar Caleb'
I don't exactly know what I really felt about him. Pilitin ko mang kumbinsihin ang sarili na wala akong nararamdaman ay humihindi ang sistema ko. Every part of me was screaming for his name, dying for his presence that they will beg me just to see him. Bumubulong ito na sundin ang aking nararamdaman, that it's okay for me to fall in love, that it's okay for him to be my moon sheening above.
But one part of me says no, that if I fall inlove with him everything will be doomed again. He was perhaps the moon and I am nothing but a lone wolf deeply staring at his luminance.
Nagaaway away ang bawat parte ng katawan ko. My heart bleeds for him but my brain says the opposite.
Sinulyapan ko ang wall clock na nakasabit sa taas ng kwarto kong ito. Mabuti nalang at mag aalasingko na nang umaga.
Ngayon ang araw kung saan magsisimula na ang trabaho namin sa Black Mountain. Hindi ko alam pero magkahalo ang nararamdaman ko. Magiging masaya ba dahil na rehire lahat ng staff namin o magiging malungkot dahil iba na ang head na kakaharapin ko malayo sa kinasanayan kong mga Valenzona.
Marahan akong bumangon sa malaking kama. The thick layer of cotton covering my body now. Dahil sa lakas ng aircon ay nilalamig pa nga ako.
Sinulyapan ko ang cellphone na nasa maliit na table katabi ng kama. Ngayon ko lang nabuksan ang ilan sa mga social media na ginagamit ko. Ilang notification ang naroon. Puno rin ng mga mensahi ang aking email account. Hinayaan ko nalang iyon at agad rin na nagtungo sa banyo upang maligo.
Tuluyan ng suminag ang araw. I see the maids busy preparing foods for us in the main dining. Nandoon din si Mrs. Valenzona na inaabala ang sarili. Maayos itong nakapwesto sa main dining table hawak hawak ngayon ang isang dyaryo habang kaharap ang umuusok pang kape.
"Iho, ikaw pala!" umangat ang tingin niya sa akin at agad na ngumiti.
Nakasuot ito ng mahabang roba at isang spectacle habang hinihimay ang dyaryo.
"Magandang umaga po!" bati ko at pumwesto sa kalapit na silya.
Inilatag ng isa pang maid ang tasa ng kape sa harap. Ilang utensils rin ang inilapag niya roon treating me as if I am one of the elites of Valenzona.
Hindi na bago sa akin ang ganoong treatment pero dahil mas nakasanayan ko ang pagiging mahirap ay tinutulungan ko ang mga maids sa gawaing bahay. Pa minsan minsan ay ako rin ang nagluluto lalo na kapag meron akong free time. Mrs. Valenzona loves Filipino cuisine kaya iyon ang madalas naming iluto. Nakakahiya naman kung magpapaserve pa ako sa mga maid when clearly I am one of them back then.
"I can manage!" I throw a smile to the older maid.
She smiled back at pinagpatuloy ang ginagawa.
"Naku sir ang puti ng polo niyo baka madumihan pa yan mabuti pa maupo nalang kayo. Isa pa pagod pa po kayo! Mukhang late na kayo nakauwi kagabi" tugon ng matandang maid at nilagyan ng fried rice ang pinggan ko.
BINABASA MO ANG
KAHAPON (BxB)
Fiksi RemajaCaleb Isocrates Lopez - A working student who was slowly revealing his gender indentity. Siya ang minsan nang nagmahal kay Titan Montenegro na kanyang kababata at ang tanging bumihag sa nagiisang campus hunk at anak ng school's president na si Joey...