Heartbeat
"Sino ba kasing may sabi na sasama sama ka sa Rayz na yon"
Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan way back to his condo. His voice was still low pero may diin ang bawat salita na kanyang binibitawan. Nanginginig parin ang aking kamay hindi dahil sa takot kundi dahil sa kahihiyan. Who would have thought na mahuhulog ako from that helix ladder sa library.
"Nasa reference section nga lang ako and I suddenly fell" utal ko naman sa kanya.
Ganun naman talaga diba nahuhulog nalang tayo bigla sa hindi inaasahang lugar, panahon o anumang oras.
I darted my sight back at him at mas lalo pa niyang binilisan ang sasakyan dahilan upang mas mapakapit ako in my seat.
"Nahulog ka tas nakapatong ka na kay Rayz?" sa'ad naman niya his voice was still low but those words were making my heart pound. Really? Hindi man lang niya pinuna ang pagkahulog ko mas idiniin niya pa ang posisyon namin ni Rayz. What the hell unti unti niyang pinupukaw ang maldita radar ko. May saltik talaga ang kupal na to.
"Sorry po, hindi ko naman po kasi sinasadya na mahuhulog ako at sa kasamaang palad sa katawan ni Rayz" irritated kong tugon highlighting my sarcasm.
"Sa kasamaang palad?" He retalliated as if may gusto siyang e point out sa mga nangyari. Wow so ano bang gusto niya ikatuwa ko pa ang aksidente na yon? Ikatuwa ko pa na kay Rayz ako umamba. He's really irritating me now.
"So anong gusto mong palabasin, edi sana kung inuna mo ang research at hindi ang soccer na yan edi sana nasamahan mo na ko sa library at nang saganun sayo nalang ako na - "
I paused before finishing my statement.
"Nahulog" I continued stiffly.
Nakakainis! Sa tuwing iisipin ko ang mga ginagawa niyang pagtulong hindi ko maiwasang hindi makonsensya but damn he's so vague now.
Hindi na siya nagsalita. Isang katahimikan ang nanaig sa pagitan naming dalawa. Sinulyapan ko ulit siya, his eyes were intensely darted on the road. He bit his lower lips at bigla siyang tumingin sakin na labis kong kinabigla.
Iniwasan ko ang kanyang mga mata, squinting my sight back to the environment outside kung saan mas masigla na ang papalubog na araw.
"We'll settle it home" he said at muli niya akong tiningnan nang malalim.
Nagpakawala ako ng isang buntong hininga easing all the stress. Napaka babaw naman para pag awayan namin to and foremost hindi naman niya ako kapatid, anak, nanay at mas lalong hindi jowa para magalit siya ng ganun. The last time I checked si Titan lang ang gumagawa nito sa'kin.
Napapikit nalang ako sa inis sa pagpasok ng pangalan niya sa utak ko. Noon yon at pakitang tao lang yon at the end of the day he's not real hindi ka niya iiwan sa kawalan kung totoo siya.
I put on my earphones and listen to some of my favorite songs upang pakalmahin ang sarili ko. Hindi ko nalang pinansin si Joey. Less talk less mistake.
----
6 pm ng makarating kami kanina sa condo. Sinulyapan ko ang aking cellphone to check the time and now it's sharp 8. Nakahiga lang ako while surfing on my feeds and some of my social apps nang bigla akong nakaramdam ng gutom. At dahil isa nga akong dakilang katulong at dapat lang talaga dahil ang dami ko ng utang kay Joey ay minabuti kong maghanda for dinner. Siguro gutom na rin siya by now and maybe cooking is a good peace offering matapos ang sagutan naming dalawa. I think I should really fix this attitude of me, ako na nga tong pinapatuloy ako pa tong matapang, siguro kung nandito lang si lola hindi mangyayari ang lahat ng ito, hindi ako malalagay sa alanganin at mas lalong hindi ko makakasama sa iisang bahay ang isang Iskolar.
BINABASA MO ANG
KAHAPON (BxB)
Fiksi RemajaCaleb Isocrates Lopez - A working student who was slowly revealing his gender indentity. Siya ang minsan nang nagmahal kay Titan Montenegro na kanyang kababata at ang tanging bumihag sa nagiisang campus hunk at anak ng school's president na si Joey...