Chapter 34

2.4K 178 31
                                    

Meet - Special Chapter!

"Dalya salamat dito ha"

Bumaling ako kay Dalya na ngayo'y kumakain ng doughnut sa tabi ko habang abala ako sa pagbabasa sa sangkatutak na magazine na pinabili ko sa kanya.

"Naku sir bakit ang dami ng pinabili mong magazine? Ang mahal niyan ha puro sikat na magazine yan. Mula abroad pa ang isa diyan" reklamo pa niya.

"Kilala mo ba ang taong yan?" banayad niyang tanong at hinagod ng tingin ang cover ng isang Fashion Men Magazine.

Natigilan ako roon. Like a running stream memories came back to me.

Hindi ko alam kung kilala ko pa ba siya sapagkat sa ilang taong lumipas paniguradong wala na ako sa memorya ng taong to. Inilibing ko na siya nang paulit ulit sa utak ko at sa tingin ko'y ganoon rin ang ginawa niya kaya't ganoon nalang ang inis ko ngayon sa mga magazine na binabasa. I needed to do this for sole purpose of business!

"Hindi bakit ko naman ipapabili pa sayo to kung kilala ko siya Dalya!" sa'ad ko at tiningnan muli ang larawan. I am annoyed as fuck right now!

I couldn't believe they sued us. Ferrock is five times stronger than Portland cement. Siguro nga may problema talaga ang produkto na yon or maybe this is just another business ploy.

Another dirty trick perhaps!

"Naku sir, mukhang galing pa ata sa royal family ang lalaking to, halatang may dugong banyaga, yong tipong napapanood sa hollywood napakagwapo parang si sir Chan" banayad niyang tugon. I am not aware Dalya is this cheerful.

Napatingin muli ako sa magazine and flip more pages nang ilang mga larawan niya ang bumungad sa akin.

Tama nga si Dalya kahit sino'y mapapansin ang pisikal niyang kaanyuan. Malayo ang pinagbago niya mula noon. Kung sa larawan pa lang ay kinakabahan na ako paano pa kaya sa personal.

I close my eyes for a moment at sinarado ang magazine. Kung hindi lang sana nangyari ang kasong yon hindi na ako maaabala pa. Hindi ko na tuloy alam kung paano ko gagawin ang bilin ni Mrs Valenzona!

"Dalya, itong mga taong to ang poproblemahin natin we need to meet them sooner at kailangan nating pagaralan kung ano ang kailangan nila" seryoso kong tugon kay Dalya habang inilatag ang mga picture sa magazine.

"Sir? You mean makikita natin ang taong yan?" at nagulat pa talaga siya.  Sumigla pa ang kanyang mukha her face was more like a clown ready to surprise children in a birthday parlor.

"I don't know! They sued us and we need to learn why they are against the company!"

I took one of the can at tinungga ang softdrinks.

It has been a week simula nang dumating kami dito. Our lawyer had already countered them sa korte pero panigurado akong hindi sila titigil hanggang sa hindi kami nakakapagbayad ng danyos.

"Naku sir tingnan mo! Itong si Leo Iskolar ang CEO ng kompanya nila while itong si Joey Ethaniel Iskolar ay ang head engineer ng kompanya. Ang gwapo ng magkapatid sir" napabalikwas ako sa kayang naging tugon.

So si Titan na ang CEO? Nagretiro na kaya ang mga magulang nila? Or maybe they still run the company as President and Vice Chair. Mababaliw ako sa kakaisip the idea of meeting that family drains my blood.

KAHAPON (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon